Programmer sa Tarlac, libreng nag-aayos ng gadgets para sa online learning | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Programmer sa Tarlac, libreng nag-aayos ng gadgets para sa online learning

Programmer sa Tarlac, libreng nag-aayos ng gadgets para sa online learning

Josiah Antonio,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 31, 2020 08:41 PM PHT

Clipboard

Larawan mula kay Mark Anthony Perez

MAYNILA — Alok ng isang programmer sa Tarlac ang libreng pagpapaayos ng laptop para makatulong sa mga mag-aaral sa kanilang online learning.

Ito ang nakikitang paraan ni Mark Anthony Perez, na minsan na rin naging iskolar, para makatulong sa mga estudyante sa kanilang pagbabalik eskwela sa Oktubre 5.

Ani Perez sa ABS-CBN News, hinihingian niya lamang ng school ID at pruweba na naka-enroll ngayong school year ang mga estudyante para tanggapin ang sirang gadget at ayusin.

Kwento ng 22 anyos na programmer mula sa Tibag, Tarlac City, sinimulan niya ang inisyatibang ito nitong Agosto 28 dahil sa dami ng nakikitang nangangailangan ng gadget social media at sumasali sa online campaign na #PisoParaSaLaptop.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Dagdap pa niya, mahirap mag-multitask gamit ang mobile phone sa online learning.

“Marami po akong nakikitang mga kabataang [estudyante] na humihingi ng tulong sa Facebook para makabili sila ng laptop. Piso para sa Laptop campaign. … alam ko pong mahirap gumamit ng mobile phones sa online learning dahil hindi ka makapag-multitask,” sinabi ni Perez sa ABS-CBN News.

Kwento pa ni Perez, ramdam niya ang danas at hirap sa pag-aaral dahil umaaasa lang sila noon sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaan para siya’y makapag-aral.

“Isa po akong 4P's scholar nung nag-aaral pa po ako ng college, noon po wala po kakayahan ang aking mga magulang na pag-aralin ako dahil si papa po ay isang tricycle driver and si mama naman po ay isang house wife at nakikipag-extra po noon sa labada,” ani Perez.

“May mga taong tumulong po sa'kin kaya nakapag-aral ako at nakatapos ng college, ngayon po panahon na para ako naman po ang magbalik ng tulong para po sa iba. Kahit maging ako man po ay walang-wala sa buhay,” dagdag pa niya.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Perez, hindi niya inaasahan na lolobo ang bilang ng nais na magpatulong sa kanya sa 150. Aniya, hiling niya man na matulungan lahat, may kahirapang magawa ito dahil sinasabay niya ito sa kanyang trabaho tuwing Marters hanggang Biyernes.

“Sinisingit ko lang po talaga sa time ko, nung una po sabi ko kahit makatulong lang po ako sa 10 or 20 students masaya na po ako. Hindi ko po ine-expect na magba-viral, ngayon po and dami na pong nagre-reach out, may Pampanga, Nueva Ecija at Pangasinan,” ani Perez.

“Gusto ko po talagang makatulong at magbalik ng tulong sa iba. Dahil nung ako po yung nahihirapan may mga tao pong tumulong sakin,” dagdag pa niya.

Hinihikayat niya ang mga kapwa niya programmer o mga may kakayahan sa pag-aayos ng gadget na tumulong sa mga nangangailangan lalo na sa darating na pasukan.

Sa ngayon kasi, kakaunti pa lamang, aniya, ang naaabutan niya ng tulong at marami pa ang nakapila.

ADVERTISEMENT

“Humihingi po ako ng help sa mga tulad kong may ganitong skill din na mag-volunteer at mag-offer ng help sa inyong lugar. … Kahit hindi po mga programmer, kahit ‘yung mga technical na may skill po sa pag-aayos ng mga laptops and computers na willing tumulong at magbigay ng free repair service para sa mga student na nag-aaral,” aniya.

“Mahalaga po [ang gadgets ngayon], dahil isa po ito sa mga bagay na kailangan ng isang student para makasabay sa online learning.”

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.