Buwan ng Wika ipinagdiwang sa Bahrain

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Buwan ng Wika ipinagdiwang sa Bahrain

TFC News

Clipboard

BAHRAIN - Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, nagkaroon ng online storytelling concert sa Philippine School Bahrain (PSB) sa imbitasyon ng Philippine Embassy sa Manama na inorganisa ng Department of Foreign Affairs sa pakikipagtulungan ng Storyhouse Philippines,

Pinamagatang “Samu't Saring Hiraya - Imagination Through Filipino Stories” ang storytelling concert na ginanap noong August 22, 2023.

1
Manama PE/ PSB

Sampung klase ng junior high school students mula grades 7 hanggang 10 ng PSB ang lumahok sa programa.

Layon ng storytelling activity na maikintal sa mga mag-aaral ang Filipino folktales at mga kuwentong bayan ng Pilipinas, maging ng kultura, tradisyon at Filipino values sa mga kabataang naninirahan sa abroad.

ADVERTISEMENT

2
Manama PE/ PSB

Pinasalamatan ni Ivy Simbala, ang Vice Principal ng PSB ang DFA sa kanilang pagpili sa Philippine School Bahrain at pag-organisa ng online storytelling concert Ipinaabot din ni Simbala ang kagalakan at pasasalamat ng PSB sa DFA at sa Philippine Embassy sa Manama.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Bahrain, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.