Ilang magulang sari-sariling gimik sa ‘trick or treat’ ng anak habang pandemya
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang magulang sari-sariling gimik sa ‘trick or treat’ ng anak habang pandemya
ABS-CBN News
Published Oct 31, 2020 08:24 PM PHT

MAYNILA. - Kung noong nakaraang Halloween ay nagbabahay-bahay si Cid Cruz para mag-trick or treat, sa pinto ng kuwarto na lang muna ng magulang, lola, at yaya siya kakatok para sa mga kendi.

Swak naman sa panahon ang ginawang "disinfectant spray" costume ng isang magulang para sa 4 anyos na si Azy.

Ang iba, nagpagawa pa ng Halloween-inspired cakes at cookies. Mayroon ding simpleng cake na para sa mga na-ghosting o "pinakilig, pero hindi inibig."

"Kasi hindi sila makalabas . . . Lalo na iyung mga bata . . . Iyung adults, naghahanap kami ng paraan para maaliw sila, matuwa, iyung cakes, cupcakes. At least ito, mafi-feel nila yung halloween," ani Foodly Manila Owner Remigildo Castañas Jr.

Payo ng pediatrician na si Evelyn Guloy, huwag kalimutang mag-disinfect kung magbibigay o makakatanggap ng treats mula sa labas ng bahay.

"Hindi na ine-encourage 'yung magbabahay-bahay na naglalakad ang mga bata tulad ng dati . . . Yung mga goodies ay iiwanan sa labas ng bahay ng mga ito," ani Guloy.

Dahil naman sa limitasyon sa pagdaraos ng party, sa social meia muna ang pasiklaban ng costume ng Barangay Little Baguio sa San Juan City.

Ibinahagi naman ng designer na si Happy Andrada ang kaniyang 31 days of Halloween Make Up Challenge na sinimulan sa pagpasok ng Oktubre. -- Ulat ni Vivienne Gulla, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
TV Patrol
TV Patrol Top
Halloween
Halloween 2020
mass gatherings
COVID-19 pandemic
trick or treat
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT