'10-3-2-1-0': Tips sa mahimbing na tulog
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'10-3-2-1-0': Tips sa mahimbing na tulog
ABS-CBN News
Published Nov 03, 2017 08:45 AM PHT

Matapos ang mahabang araw, kinakailangan ng katawan natin ang tulog upang maipanumbalik ang lakas at sigla.

“Ang tulog natin parang charging station ‘yan. Kapag hindi ka naka-charge, low bat ang pakiramdam mo. Mainitin ang ulo mo, masama ang pakiramdam, matigas ang muscles, tataas ang blood sugar, tataas ang blood pressure,” paliwanag ni Dr. Christian Angelo Lubaton sa programang "Good Vibes" sa DZMM.

“Kapag natutulog ka, ‘yung stress hormones, adrenaline, cortisol, diyan ‘yan nabababa. Bumababa, bumabagsak, regulates the stress hormones. Ang stress hormones ang nakapagpapasakit sa katawan. Pangalawa, it regularizes the blood pressure, blood sugar. Tapos it also releases the growth hormones. Nagre-repair ‘yung katawan mo kapag natutulog ka.”

Hindi rin aniya ipinapayo ang pag-inom ng sleeping pills dahil kinakailangan pa itong i-detoxify o alisin ng katawan mula sa sistema nito.

Kaya sa halip na magpahinga ang katawan, napapatrabaho pa ito sa "pagtunaw" ng sleeping pills.

Pero paano nga ba mas mapagaganda at mapahihimbing ang tulog?

Ayon kay Lubaton, "10-3-2-1-0" ang mga numerong dapat tandaan upang mas maging mahimbing ang tulog.

10 – Huwag uminom ng inuming may caffeine 10 oras bago matulog
Ayon kay Lubaton, kinakailangan ng 10 oras bago mawala sa sistema ang caffeine kaya makabubuting huwag uminom ng kape, black tea, energy drinks, at iba pang inumin, 10 oras bago matulog.

“Makakatulog ka naman kahit magkape ka sa gabi kaya lang ang tulog mo hindi malalim... Hindi siya totoong nakakapahinga. Tulog ka nga pero katawan mo gising,” ani Lubaton.

3 – Magbawas ng pagkain tatlong oras bago matulog
Paliwanag ni Lubaton, makabubuting huwag kumain tatlong oras bago matulog upang makapagpahinga pa ang katawan.

Imbes kasi na nakapagpapahinga pa ang katawan habang natutulog ay nagiging aktibo pa ang mga intestines na siyang nagda-digest ng pagkain.

2 – Iwasan na ang magtrabaho dalawang oras bago matulog
Payo ni Lubaton, makatutulong na ilista na lahat ng gawain para sa kinabukasan at iwasan na ang pagtatrabaho dalawang oras bago matulog upang wala nang masyadong iniisip.

1 – Huwag gumamit ng gadgets isang oras bago matulog.
Bagama't nakasanayan nang gumamit ng gadgets bago matulog, hindi ito pinapayo ni Lubaton kung gagawin isang oras bago matulog.

“Kasi ‘yung blue light niyan (gadgets), nakaka-stimulate sa eyes natin,” aniya.
“Kasi ‘yung blue light niyan (gadgets), nakaka-stimulate sa eyes natin,” aniya.
ADVERTISEMENT
0 – Huwag pindutin ang "snooze button"
“Kapag nag-alarm na, bumangon na!” sabi ni Lubaton.

Hindi rin kasi mabuti sa katawan ang paulit-ulit na akmang gigising dahil sa alarm pero hahabol ng kaunti pang tulog kapag isinara o pinindot ang "snooze" sa alarm.

"Mababaw" na rin lang kasi ang nagiging tulog kapag ilang beses na nagigising dahil sa alarm.

Bukod sa mga numerong ito, mahalaga rin aniya na tingnan ang kondisyon ng kuwarto upang maging mahimbing ang pagtulog.

Tiyaking walang maliwanag na ilaw na maaaring makasilaw sa pagtulog.

Read More:
DZMM
Good Vibes
sleep
tulog
kalusugan
health
Tagalog news
PatrolPH
10-3-2-1-0
Dr. Christian Angelo Lubaton
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT