Pildoras na de-sensor, natutukoy kung ininom ng pasyente ang gamot | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pildoras na de-sensor, natutukoy kung ininom ng pasyente ang gamot

ABS-CBN News

Clipboard

Stock photo

Inaprubahan na kamakailan ng U.S. Food and Drug Administration (FDA) ang isang klase ng pildoras na may lamang sensor para matukoy kung sumusunod ba ang pasyente sa pag-inom ng iniresetang gamot.

Kasinglaki lang halos ng butil ng asin ang sensor na nasa loob ng pildoras.

Walang anumang baterya o antenna ang sensor at nagiging aktibo lang kapag nabasâ ito ng mga natural na katas mula sa sikmura ng pasyenteng uminom nito.

Oras na mabasâ ang sensor, magpapadala ito ng mensahe sa isang wearable o isinusuot na patch na nagsasalin naman ng impormasyon sa isang mobile application para maaaring masuri mula sa isang smartphone kung nainom na ba ang gamot.

ADVERTISEMENT

Ayon sa FDA, bukod sa mainam para sa pasyente, malaking tulong din ito sa mga doktor para masuri kung sinusunod ba ng mga pasyente ang pag-inom ng iniresetang gamot.

Kadalasan daw kasing problema sa gamutan ay ang pagsunod ng isang pasyente sa schedule ng pag-inom ng gamot.

Sa ngayon, may bersiyon na nitong pildoras na de-sensor ang isang brand ng gamot na tumutugon sa schizophrenia, bipolar disorder, at depresyon.

Inaasahang sa hinaharap, mas marami pang gamot ang magagawan ng bersiyon na de-sensor, partikular na iyong mga iniinom ng may diabetes o sakit sa puso dahil mahalagang masundan nila ang schedule ng pag-inom ng gamot. -- Isinalin mula sa ulat ng Reuters

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.