Erectile dysfunction: 'Kuya, bakit ka ba lowbat?' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Erectile dysfunction: 'Kuya, bakit ka ba lowbat?'

ABS-CBN News
Published Dec 06, 2016 10:00 PM PHT
|
Updated Dec 06, 2016 11:44 PM PHT

Mahalaga sa pagiging lalaki ang 'pagtaas ng bandila' sa tuwing siya ay makikipagtalik.

Ngunit, kasama sa pagtanda ng tao ang paghina ng kanyang katawan, at isa rito ang hindi na pagtayo ng ari o pagkakaroon ng erectile dysfunction.

Sa programang "Private Nights" ng DZMM, ipinaliwanag ni Dr. Lulu Marquez kung paano malalaman na may erectile dysfunction ang isang lalaki.

Ayon kay Dr. Marquez, may tatlong antas ang erectile dysfunction.
Ayon kay Dr. Marquez, may tatlong antas ang erectile dysfunction.
ADVERTISEMENT
1. 'Mild' erectile dysfuntion
1. 'Mild' erectile dysfuntion
Sa kada 10 beses ng pakikipagtalik, eight beses dito ay nagkakaroon ng pagtayo ang ari.

2. 'Moderate' erectile dysfunction
2. 'Moderate' erectile dysfunction
Anim sa kada 10 beses ng pakikipagtalik ay nakararanas ang lalaki ng erection.

3. 'Severe' erectile dysfunction
3. 'Severe' erectile dysfunction
ADVERTISEMENT
Ang lalaking may severe ED ay kailanman hindi na nakararanas ng pagtayo ng ari sa tuwing makikipagtalik.

"Sa severe, ang pakikipagtalik ay parang joke na lang," pabirong sabi ni Dr. Marquez.

Dagdag pa ng doktora na may may dalawang sanhi ang erectile dysfunction: psychological problem at medical problem.

Sa psychological problem, madalas na nararanasan ang erectile dysfunction ng mga kabataan. Ito ay dahilan ng stress, depression o anxiety na nararanasan.

"Kung psychological ang erectile dysfunction, solve your stress, anxiety and depression, then OK na," payo ni Dr. Marquez.

Samantala, dapat mag-ingat ang mga taong may erectile dysfunction dulot ng problema sa kalusugan.

Isa sa mga maaaring makaranas ng erectile dysfunction ang mga taong may diabetes.

"Kung confirmed na mataas ang sugar level mo, you have to expect na magkakaroon ka ng erectile dysfunction," ayon kay Dr. Marquez.

Aniya, nakakasama rin ang sobrang paggamit ng mga chemical o mga herbal enhancers. "Yung mga herbal, ito ay may mga daya. Nilalagyan lang ito ng kaunting chemical enhancers para tumayo."

Ilan pa sa mga maaaring magkaroon ng erectile dysfunction ang mga taong may hypertension, mataas ang cholesterol at may uric acid.

Ang normal na erectile functions ay may maayos na blood flow, nerve supply at muscular system hormones. Importante maganda ang daloy ng dugo sa mga ugat ng ari.

Ayon kay Dr. Marquez, mahalaga pa rin ang may magandang kalusugan, tamang pagkain at maayos na ehersisyo para mapanatili ang gana sa pakikipagtalik.