Bakit di nasusunod ang New Year's resolution?
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bakit di nasusunod ang New Year's resolution?
ABS-CBN News
Published Dec 28, 2017 01:04 PM PHT
|
Updated Dec 28, 2017 04:26 PM PHT

Isa sa mga nakaugalian tuwing Bagong Taon ang pagkakaroon ng New Year's resolution, kung saan napagpapasiyahan ng isang indibidwal na baguhin ang isang hindi kanais-nais na aspeto ng kaniyang buhay.

Ilan sa mga halimbawa nito'y ang pag-iwas sa gastos, pagsisikap na mag-ehersisyo para makapagbawas ng timbang, at pagtigil sa bisyo gaya ng pag-inom ng alak o paninigarilyo.

Pero may mga pagkakataong bigo ang mga Pilipino na panindigan ang mga ipinapangako sa sarili.

Ayon kay Lloyd Luna, isang motivational speaker, hindi nangangahulugang dahil nagpalit ng taon ay agad magbabago ang buhay ng isang tao.

"Tini-timing nila [na kapag] bago ‘yong taon, dapat magbabago ‘yong buhay nila," ani Luna sa programang "Sakto" ng DZMM.

Paliwanag ni Luna, isa sa mga dahilan kung bakit bigo ang mga Pilipino na matupad ang kanilang resolusyon ay dahil hindi talaga nila ito gusto.

Mayroon kasi umanong mga resolution na dala lang ng peer pressure o pamimilit ng mga kaanak o kaibigan.

"Karamihan kasi ‘yong mundo ‘yong nagdidikta kung ano ‘yong magiging resolution natin," ani Luna. "Gagawa ka ng resolution based sa sinabi ng ibang tao, hindi talaga based sa gusto mo."

Mahalaga umanong magtakda ng resolusyong nais talagang matupad para sa sarili.
Mahalaga umanong magtakda ng resolusyong nais talagang matupad para sa sarili.
ADVERTISEMENT
"Kailangan gusto mo, kailangan resolve mo sa sarili. Magfe-fail ka kung wala kang enough reason," ani Luna.

Kaabikat ng kagustuhan ay dapat ding may disiplina sa sarili.

Dagdag ni Luna, hindi dapat umasa na magkakaroon ng instant gratification o agarang resulta ang resolusyon.

"Yong tipong isang beses pa lang silang nagpunta sa gym, gusto nila macho na," halimbawa ni Luna.

Pinaghihirapan umano ang pagtamo ng tagumpay sa mga resolusyon kaya inaabot ito ng matagal na panahon.
Pinaghihirapan umano ang pagtamo ng tagumpay sa mga resolusyon kaya inaabot ito ng matagal na panahon.
ADVERTISEMENT
"'Yong habit na for many years 'binuild' mo, hindi puwedeng i-unbuild overnight," ani Luna.