'Salamin Salamin' mirrored artwork, kinagiliwan ng netizens

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Salamin Salamin' mirrored artwork, kinagiliwan ng netizens

Bayan Mo,

Ipatrol Mo

Clipboard

Pumatok sa Blooms ang artwork ng isang artist mula sa San Pablo City, Laguna na inspired sa Nation's Girl Group na BINI na may pamagat na “Walo Hanggang Dulo.” Ang konsepto ng mirror artwork ay halaw sa sikat na awitin ng grupo na "Salamin, Salamin."

Ayon kay Bayan Patroller Hannah Faith Frago, isa sa mga naging inspirasyon niya ang grupong BINI sa kaniyang artwork bilang isang supporter ng mga musikang Pinoy.

Nasa elementarya pa lamang siya ay namulat na siya sa pagpipinta dahil mula siya sa pamilya ng mga artist.Facebook/Hanna Faith Frago
Facebook/Hanna Faith Frago
Matagal na niyang sinimulan ang kanyang mirror arts at isa sa struggle niya ay madulas at mahirap dumikit ang pintura sa salamin kaya kailangan talaga ng pasensya at pokus sa paggawa.

Ang paggawa at pagbuo sa kanyang artwork ay tuwing sa libreng oras niya lamang na umabot sa dalawa hanggang tatong linggo.

Ang mensahe naman si Bayan Patroller Hannah sa mga artist na katulad niya ay, “Stay inspired, surround yourself in what excites you, and remember trust the process. And lastly, make your own identity.”

ADVERTISEMENT

Umabot ng halos dalawang linggo na naka-display sa SM City San Pablo ang kanyang mirror artwork at ang pinagbentahan ng mga ito ay ipinampagamot sa nanay niyang nagkasakit. 

Makikita at available pa ang ilang artworks sa kanyang Facebook page na Ohanna Creatives.

Bukas rin si Bayan Patroller Hannah para sa mga gustong magpa-customize ng mirror arts.


RELATED VIDEOS:





ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.