Trending: Asong madaming alam na tricks

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Trending: Asong madaming alam na tricks

Bayan Mo,

Ipatrol Mo

Clipboard

TARLAC CITY -- Umani na ng mahigit two million views ang video ng Shi Tzu na si Goomie kung saan makikita ang aso na umiikot-ikot gamit lang ang dalawang paa habang sinasabi ng kanyang fur mom na si Bayan Patroller Catherine Ramos ang katagang 'alam na.'

Kwento ni Bayan Patroller Catherine Ramos ng Tarlac City, umiikot-ikot si Goomie kapag humihingi ng pagkain. 

Tinaguriang 'pandemic dog' ni patroller ang alagang si Goomie dahil nabili niya ito mula sa dating teacher walong araw bago itakda ang lockdown sa bansa noong March 2020 dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19.  

Aniya, napilitan lang siyang bulhin si Goomie noon dahil ayaw niyang mag-alaga ng aso pero naging 'blessing in disguise' na nga si Goomie dahil ang aso ang tanging nakasama ni Bayan Patroller Catherine sa buong panahon ng lockdown.  

ADVERTISEMENT

At dahil naka-lockdown, natutukan ni patroller ang paglaki ni Goomie at naturuan ng madaming tricks tulad ng pagdadasal bago kumain, pagsasara ng pituan at ng refrigerator, pag-ngiti, pag-ring ng bell kapag gusto ng treats, paghiga kapag sinabihan ng 'bang', at pag-roll. 

Malaki ang pasasalamat ni Bayan Patroller Catherine sa pagdating ni Goomie sa kanyang buhay dahil napasaya siya nito at naging 'best companion' sa mga pagsubok sa buhay lalo na noong naka-lockdown. 

Pinaghahandaan naman ni patroller ang pagsali sa mga pet fair sa mga susunod na buwan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.