Mga dahilan na nag-uudyok sa sarili na kumain nang sobra, dapat alamin: nutritionist

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga dahilan na nag-uudyok sa sarili na kumain nang sobra, dapat alamin: nutritionist

Patrol ng Pilipino

Clipboard

MAYNILA — Kahit may mga pagkakataon o okasyon na napaparami ang kain, mahalagang mag-ingat at alagaan ang katawan dahil masama sa kalusugan ang ano mang sobra. 

Sa pagiging patok ng unli food trend at mukbang sa Pilipinas, pinag-aaralan na rin kung dapat bang i-ban sa bansa ang mukbang matapos masawi ang isang mukbang vlogger dahil sa stroke.

Korean internet slang mula sa dalawang pinagsamang salita na “eating” at “broadcast” ang mukbang na sumikat sa South Korea noong 2008.  

Kalaunan,  nakarating na rin ito sa Pilipinas. 

ADVERTISEMENT

Madalas gawing content ng mga mukbangers ang samgyupsal na nangangahulugan dito na unli-kain ng karne, kanin, at iba pang side dish.

Ayon kay Department of Health Secretary Ted Herbosa, maaaring magdulot ng indigestion at bloating ang overeating. Posible rin itong magdulot ng pananakit ng tiyan, cramps, at kabag kung hindi matunawan nang maayos.

Sa pag-aaral naman ng DOST-FNRI, sinasabing isa ang overeating sa mga dahilan kung bakit patuloy na tumataas ang bilang ng mga overweight sa bansa. 

Para naman sa nutritionist-dietitian at content creator na si Jo Sebastian, dapat ding tingnan ang ating relasyon sa pagkain lalo’t kung ang mga dahilan na nag-uudyok sa overeating ay mga isyu gaya ng disordered eating, restrictive diets, body image issues at unhealthy environment.


—ulat nina Janna Bobier, Carlo Cabanlit, Danica Espedillon, Angelica Nazario, Sophia Potenciano at George Ryan Tabada, Patrol ng Pilipino interns



Related video:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.