Partial deployment ban sa Kuwait ipatutupad kasunod ng pagpatay sa OFW | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Partial deployment ban sa Kuwait ipatutupad kasunod ng pagpatay sa OFW

ABS-CBN News
Published Jan 02, 2020 03:01 PM PHT
|
Updated Jan 02, 2020 07:51 PM PHT

MAYNILA (UPDATE) — Nakatakdang magpatupad ang Pilipinas ng partial deployment ban ng mga household service worker sa Kuwait kasunod ng panibagong kaso ng pagpatay sa isang overseas Filipino worker (OFW) roon.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, maaaring maging epektibo ang ban kapag naaprubahan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Governing Board ang rekomendasyon.

Nilinaw ni Bello na sakop ng ban ang mga first-time worker na balak mamasukan bilang household service workers. Hindi raw kabilang dito ang mga balik-manggagawa, skilled workers, at professionals.

Inirekomenda ni Labor Attache Nasser Mustafa ng Philippine Overseas Labor Office sa Kuwait ang ban kasunod ng pagkamatay ni Jeanalyn Villavende matapos umanong bugbugin ng kaniyang babaeng employer na Kuwaiti.

Sa ulat ni Mustafa, sinasabing binugbog hanggang mamatay si Villavende at wala nang buhay nang dinala sa ospital.

Ayon umano sa mga nurse, puno ng pasa si Villavende.

Setyembre nang ireklamo ni Villavende sa recruitment agency ang pagmaltrato at hindi sapat na sahod ng employer, ayon kay Bello.

Nakisuap na rin si Villavende na umuwi pero hindi umaksiyon ang agency.

Pinagpapaliwanag din ngayon ang recruitment agency, na nahaharap sa posibleng kanselasyon ng lisensiya.
Pinagpapaliwanag din ngayon ang recruitment agency, na nahaharap sa posibleng kanselasyon ng lisensiya.
ADVERTISEMENT
Hindi pa alam ang mismong petsa ng pagkamatay ni Villavende dahil wala pang autopsy.

Posible pa ring magkaroon ng total ban kapag hindi nakuntento ang gobyerno sa hakbang ng gobyerno ng Kuwait sa kaso ni Villavende, ayon kay Bello.

Inaasikaso na ng mga awtoridad ang pag-repatriate o pag-uuwi sa labi ng biktima, na taga-Nuralla, South Cotabato.

Ayon naman kay Overseas Workers Welfare Administration Administrator Hans Cacdac, bukod sa death at burial benefits, makakatanggap ang pamilya ni Villavende ng livelihood assistance at scholarship para sa bunsong kapatid.

Noong 2018, nagbaba ang Pilipinas ng deployment ban sa Kuwait kasunod ng serye ng mga ulat ng mga pang-aabuso sa mga OFW doon, kabilang ang kaso ni Joanna Demafelis, na natagpuang patay sa loob ng freezer.

Inalis lamang ang ban nang lumagda sa isang memorandum of agreement ang Pilipinas at Kuwait para sa proteksyon ng mga OFW.

-- May ulat ni Willard Cheng, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Kuwait
deployment ban
OFW
Jeanalyn Villavende
labor
Department of Labor and Employment
Silvestre Bello III
TV Patrol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT