Mga taxi hihirit ng P10 dagdag sa pasahe dahil sa TRAIN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga taxi hihirit ng P10 dagdag sa pasahe dahil sa TRAIN

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 26, 2019 05:46 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Hihilingin ng Philippine National Taxi Operators Association (PNTOA) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na gawing P50 na ang flag down rate sa mga taxi, na kasalukuyang nakapako sa P40.

Ito ay dahil sa napipintong epekto sa kanila ng pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo dulot ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Ayon kay PNTOA chair Bong Suntay, wala na halos kikitain ang mga taxi driver.

Ito'y kahit pa naglabas na ng desisyon ang LTFRB kamakailan kung saan itinataas na sa P13.50 ang singil kada 1 kilometer at P2 kada minuto na waiting time sa taxi.

ADVERTISEMENT

Di rin kasi ito napatutupad dahil hindi pa naka-calibrate ang mga taxi meter.

Ayon pa kay Suntay, hindi bababa sa 42,000 taxi drivers sa buong bansa ang mawawalan ng kita kapag di na-adjust ang pamasahe.

Pero giit ni LTFRB Board Member Aileen Lizada, wala pa umanong natatanggap na petisyon ang ahensiya hinggil sa hiling ng grupo ni Suntay.

Kung sakali mang hihirit muli sila ng taas-pasahe, dapat pa umanong patunayan ng mga taxi na tataas din at gaganda ang kalidad ng serbisyo nila sa mga commuters.

Dagdag ni Lizada, kailangan pang hingin ng LTFRB ang panig ng commuter groups bago magdesisyon.

--Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.