Nazareno 2023: Do's and don'ts sa Walk of Faith inilatag
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Nazareno 2023: Do's and don'ts sa Walk of Faith inilatag
ABS-CBN News
Published Jan 05, 2023 12:44 PM PHT
|
Updated Jan 05, 2023 08:15 PM PHT

Inilatag ngayong Huwebes ng pamunuan ng Quiapo Church ang mga dapat at hindi dapat gawin sa idaraos na Walk of Faith sa Linggo, bahagi ng pagdiriwang sa Itim na Nazareno ngayong taon.

Ayon kay Alex Irasga, technical adviser para sa Nazareno 2023, magkakaroon ng hiwalay na pila ang mga person with disability (PWD), may sakit at senior citizen sa "Pagpupugay" o iyong kapalit ng "Pahalik."

Hiwalay din umano ang pila ng mga babae at lalaki.

Muli ring ipinaalala na kailangan pa ring magsuot ng face mask ng mga dadalo sa event.
Muli ring ipinaalala na kailangan pa ring magsuot ng face mask ng mga dadalo sa event.
ADVERTISEMENT
Pinagdadala rin ang mga deboto ng sanitizer, at pinayuhang panatilihin ang social distancing at magdala ng government-issued ID.

Sa Walk of Faith, papayagan lang na dalhin ang mga maliit na imahen, rosary at iba pang relics.

Hindi umano papayagan ang mga life-sized replica dahil baka pagkaguluhan ito at akalaing ito ang Poon na iginagala tuwing may Traslacion.

Agad umanong haharangin ng pulisya ang mga magdadala ng life-sized replicas.

Sakaling maging maulan, mga transparent na raincoat at poncho lang ang papayagan dahil sa "security reasons."
Sakaling maging maulan, mga transparent na raincoat at poncho lang ang papayagan dahil sa "security reasons."
ADVERTISEMENT
Papayagan din ang mga sumusunod:
Papayagan din ang mga sumusunod:
- Bag at clear plastic bags para sa basura
- Pagsusuot ng sapatos at tsinelas sa Walk of Faith
- Wheelchair para sa mga PWD
- Camera basta maliit
- Maliit o foldable na upuan
- Maliit na flaslight
- Kandila (pero mas inirerekomenda ang portable na kandila)

Bawal naman ang carosa at andas, pagdadala ng baril at ano mang deadly weapon at paputok, at pagpapalipad ng drone.

Noong Miyerkoles, naglabas na ng executive order si Manila Mayor Honey Lacuna para sa liquor ban simula Sabado, Enero 7, hanggang Lunes, Enero 9.

Wala ring pasok sa lahat ng antas ng paaralan at government offices sa Maynila sa Lunes.

Sa ngayon, tuloy-tuloy ang paghahanda sa paligid ng Quiapo Church at Quirino Grandstand para sa pagdiriwang.
Sa ngayon, tuloy-tuloy ang paghahanda sa paligid ng Quiapo Church at Quirino Grandstand para sa pagdiriwang.
ADVERTISEMENT
Nag-clearing operation na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa paligid ng Quirino Grandstand.

Ayon sa MMDA, magde-deploy sila ng 730 tauhan para sa traffic management at clearing operations mula Enero 6 hanggang 9, at maglalagay rin ng 25 portalets.

— Ulat ni Jeff Caparas, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT