Lalaki patay sa pamamaril sa Batangas; pulis itinangging sangkot

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki patay sa pamamaril sa Batangas; pulis itinangging sangkot

ABS-CBN News

Clipboard


MAYNILA – Patay ang isang lalaki sa pamamaril sa Anilao Port sa Mabini, Batangas noong Martes ng umaga.

Sa inisyal na impormasyon mula sa Mabini Police Station, kinilala ang biktima na si Michael Abarentos.

Dead-on-the-spot siya sa tama ng mga bala sa katawan.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para mahuli ang salarin sa krimen, pero may mga persons of interest at lead na umano ang mga awtoridad na kanilang pinagtatagpi.

ADVERTISEMENT

Nilinaw di ng hepe ng Mabini police na si Police Maj. Jan Albert Rongavilla na hindi pulis ang bumaril kay Abarentos.

Ito'y taliwas sa post sa social media ng nagpakilalang pamangkin ng biktima kung saan sinabi niyang "napagkamalan" ang kaniyang tiyuhin.

"Wala pong police operation, hindi pulis ang suspek doon or ano, ito po’y normal na alleged shooting incident. Kawawa naman kami," ani Rongavilla.

Noong nakaraang linggo ay isang construction worker sa Pampanga ang pinaslang ng pulis matapos itong pagkamalang holdaper.


– Mula sa ulat ni Michael Joe Delizo, ABS-CBN News

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.