Bata patay matapos dalhin sa gubat, bugbugin; kalaro nagkunwaring patay para makaligtas
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bata patay matapos dalhin sa gubat, bugbugin; kalaro nagkunwaring patay para makaligtas
Dennis Datu,
ABS-CBN News
Published Jan 11, 2024 03:15 PM PHT

Patay ang isang 7-taong-gulang na batang babae matapos dalhin sa gubat, pagsusuntukin at sakalin ng isang lalaki sa Sariaya, Quezon.

Nakaligtas ang 7-taong-gulang din na kaibigan na biktima matapos magkuwaring patay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Sariaya police, magkasama ang 2 biktima na naglalakad sa bukid sa Barangay Morong para sundan ang ina ng isa sa mga bata na naghatid ng pagkain sa asawa, Sabado ng hapon.

Habang naglalakad, sumulpot umano ang 23-anyos na suspek at nag-alok na samahan ang mga bata.
Habang naglalakad, sumulpot umano ang 23-anyos na suspek at nag-alok na samahan ang mga bata.
ADVERTISEMENT
Sabi ng batang nakaligtas, bigla na lamang silang binuhat ng suspek, sinakal gamit ang dahoon ng buli at paulit-ulit na pinagsusuntok.

Nagkunwaring patay ang isa sa mga bata at paggising umano niya ay wala na ang kaniyang kaibigan. Namataan niya kalaunan ang kaibigan na buhat-buhat na ng suspek.

“Kami po ay magkadikit, naglalakad, tapos bigla po kami binuhat. Sinakal po kami, sinuntok sa likod, nginudngod sa lupa, paulit -ulit po,” kwento ng batang nakaligtas.

Nakauwi ang biktima at nakapagsumbong sa pamilya.

Higit isang oras pang hinahanap ng mga pamilya at residente ang isa pang bata hanggang sa matagpuan ito na duguan at wala nang buhay sa gitna ng mga puno ng buli na sakop na ng Barangay Pili.

“Pagtingin ko nakatihaya na ang anak ko... Nilapitan ko sya, sabi ko, 'Anak, anak gumising ka. Huwag mo ako iwan.' Hindi s'ya gumagalaw,“ kwento ni Edwin Alfuerto, ama ng nasawi.

Naikwento ng nakaligtas kung sino ang suspek na kinabukasan ay sumuko sa chairman ng Barangay Morong.

Sabi ng suspek, hindi niya alam ang kaniyang nagawa pero humihingi siya ng tawad.

“Nagsuko na lang po ako kahit hindi ko alam ang nangyari. Ang huli ko po alaala ay kasama ko yung dalawa tapos nawala na ho isip ko, hindi ko na alam ang nangyari,” sabi ng suspek. “Nagising na lamang po ako, nakita yung isa patay na.”

“Humihingi po ako ng tawad sa magulang ng bata sa nagawa ko, humihingi ako ng kapatawaran kung nagawa ko yun, pasensya na po” dagdag niya.

Sabi naman ni PLt. Reynante De Chavez, chief investigator ng Sariaya Police, hirap silang makausap ang suspek pero sinabi umano nito na napagkamalan niyang manika ang mga biktima.

Labis ang galit ng ina ng nasawing bata na dapat ay magdiriwang na ng kaniyang ika-8 kaarawan sa January 21.

“Kulang ang buhay niya para maibayad sa buhay ng anak ko. Sana maranasan niya doble, triple pa [sa] ginawa niya sa anak ko, kung ano paghihirap. Wala siyang awa,” sabi ng nagdadalamhating si Nyrine Soria, ina ng biktima.

Ililibing ang bata sa Sabado.
Ililibing ang bata sa Sabado.
Kinasuhan naman ng murder at frustrated murder ang suspek.