Bayanihan sa Taal eruption: Pagtatahi ng face masks, pagsagip sa mga hayop
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bayanihan sa Taal eruption: Pagtatahi ng face masks, pagsagip sa mga hayop
ABS-CBN News
Published Jan 14, 2020 03:48 PM PHT
|
Updated Jan 14, 2020 08:37 PM PHT

Kasabay ng paghihirap na sinapit ng mga kinailangang lumikas dahil sa pag-alboroto ng bulkang Taal, umusbong din ang mga kuwento ng mga Pinoy na nagkaisa para sila ay tulungan at damayan.

Isa rito si Rosalina Mantuano, na taga-Lipa City, Batangas.

Gamit ang kaniyang husay na pananahi, gumawa si Mantuano ng dose-dosenang face mask na ipamimigay nang libre sa mga apektado ng Taal eruption.

LOOK: Help comes in many forms. A seamstress in Lipa, Batangas named Rosalina Montuano made face masks for free for those who need it. Her daughter Mary Ann shares, “kahit po sa anong paraan makakatulong basta gugustuhin mo lang.” #TaalVocano 📸 Mary Ann Montuano pic.twitter.com/gFQUVAqEXk
— Kevin Manalo (@kevinmanalo_) January 13, 2020

Para kay Mantuano, laging may paraan basta gustong tumulong sa kapwa nang bukal sa kalooban.
Para kay Mantuano, laging may paraan basta gustong tumulong sa kapwa nang bukal sa kalooban.
ADVERTISEMENT
Pero hindi lamang tao ang tinutulungan ng mga Pinoy kundi pati ang mga alagang hayop na inabandona sa gitna ng gulo.

Sa Talisay, Batangas, isa-isang sinagip ng grupong Guardians of the Fur ang mga hayop, gaya ng mga aso, na naiwan ng mga amo nitong lumikas sa pag-alboroto ng bulkan.

LOOK: Distressed, abandoned, or stranded dogs after the #TaalVolcano eruption were rescued by the group ‘Guardians of the Fur’ in Batangas. These dogs will be temporarily housed in the group’s shelter and can be contacted by their pet owners through this number: 09176380853 pic.twitter.com/NHTnYt9FLH
— Kevin Manalo (@kevinmanalo_) January 13, 2020
LOOK: Distressed, abandoned, or stranded dogs after the #TaalVolcano eruption were rescued by the group ‘Guardians of the Fur’ in Batangas. These dogs will be temporarily housed in the group’s shelter and can be contacted by their pet owners through this number: 09176380853 pic.twitter.com/NHTnYt9FLH
— Kevin Manalo (@kevinmanalo_) January 13, 2020
Dadalhin ang mga nasagip na hayop sa isang shelter, kung saan maaari silang puntahan ng kanilang mga amo.

Binuksan naman ni Edsel Paredes ang kaniyang malaking espasyo sa Magallanes, Cavite para sa mga hayop na walang tirahan.

LOOK: Nobody must be left behind. Edsel Pagcaliwangan Paredes shares his home to pets affected by the eruption: “Kung may kilala po kayo na nangangailangan ng temporary shelter ay bukas po ang aking kennel para sa libreng boarding at pagkain until maging ok na ang sitwasyon.” pic.twitter.com/uiNiSwrC7j
— Kevin Manalo (@kevinmanalo_) January 13, 2020
LOOK: Nobody must be left behind. Edsel Pagcaliwangan Paredes shares his home to pets affected by the eruption: “Kung may kilala po kayo na nangangailangan ng temporary shelter ay bukas po ang aking kennel para sa libreng boarding at pagkain until maging ok na ang sitwasyon.” pic.twitter.com/uiNiSwrC7j
— Kevin Manalo (@kevinmanalo_) January 13, 2020
Maaaring magkasya sa espasyo ang 100 hayop na bibigyan ni Paredes ng libreng pagkain at tubig hangga't hindi natatapos ang krisis sa bulkan.

Nakatakda ring tumulak papuntang Tagaytay ang Taguig Rescue Team at Taguig City Social Welfare and Development Office para maghatid ng mga pagkain, hygiene kit, tubig, bigas, kape, at biskuwit sa mga nangangailangan.

-- Ulat ni Kevin Manalo, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT