Mga Pinoy sa Copenhagen masaya sa pagkakaroon ng bagong hari sa Denmark
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga Pinoy sa Copenhagen masaya sa pagkakaroon ng bagong hari sa Denmark
Rosemary Toledo-Menta | TFC News Denmark
Published Jan 15, 2024 11:59 PM PHT
|
Updated Jan 16, 2024 12:22 AM PHT

COPENHAGEN - Sa unang pagkakataon sa loob ng halos 900 taon, kusang bumaba sa trono si Her Majesty The Queen Margrethe II ng Denmark at pormal na isinalin ang kanyang kapangyarihan sa kanyang anak na si His Majesty King Frederik X sa Council of State nitong January 14.

Umaga pa lang nitong Linggo, hindi inalintana ng mga tao ang lamig ng panahon at talagang inabangan ang paglabas ng royal family mula sa isa sa kanilang tahanan sa Amalienborg palace.

Pasado ala-una ng hapon, umalis ang convoy ng Royal couple at His Royal Highness Prince Christian, kasunod ni Queen Margrethe II, na sakay ng kanyang karwahe patungong Christiansborg Palace.

Matapos ang pagpirma ng abdication ni Queen Margrethe II, ganap nang ipiniroklama ni Prime Minister Mette Frederiksen si His Majesty Frederik X bilang hari ng Denmark, kung saan nagbigay siya ng talumpati at ipinahayag ang kanyang motto na “United, Committed, for the Kingdom of Denmark.”

Nagbunyi ang mga Danes, maging ang Filipino community sa Denmark sa makasaysayang pagpapalit ng kapangyarihan.

Ang ibang Pinoy, pinalad na mapanood ang royal parade sa Copenhagen. Kabilang sa mga Pinoy na nakapanood ng makasaysayang event ay si Maria Jennifer Stilling, ang founder ng Philippine Cultural Guide of Denmark, isa siya sa iilang Pilipino na naabutan at nakita ang pag-upo sa trono ni HM Queen Margrethe II noong 1972 at ang kanyang abdication makalipas ng 52 taon.

“I guess I’m very lucky to witness the Queen’s both accession and abdication. I thank her very much for all the jobs that she has done, not only for Denmark but also for other nations,” sabi ni Stilling.

Pinalad ring makita ng Pinoy tourist na si Raymond Estacio ang makasaysayang pagsalin ng kapangyarihan.

“I'm very grateful kasi naka-witness po tayo ng isang importanteng event dito sa Denmark, kasi hindi ko akalain, kasi as in normal day sa akin ito, tapos bigla kong na-witness yung pagpasok ng bagong King,” sabi ni Estacio.

Maging ang mga Pilipino na residente ng Copenhagen, tuwang-tuwa sa once-in-a-life-time experience na kanilang nasaksihan.

“Kahit malamig, pumunta kami kasi once in a history lang na makita ito sa Denmark. So, kahit malamig, nandito kami, buong pamilya ko,” sabi ni Jenelyn Soriano, Pinay sa Denmark.

At kahit nasa kani-kanilang bahay, nakatutok din sa kanilang telebisyon at devices ang ibang Filipino-Danish families para sa historical event tulad ng pamilya ni Henrik Petersen, isang Dane na nakapangasawa ng isang Pinay.

“It's our first time to watch the new King and the Queen and it’s a big historical moment for Danish history," sabi ni Petersen.

Masaya ang mga Danes at foreign residents ng Denmark sa pag-upo sa trono ni King Frederik X at Queen Mary. Pinuri ng kanilang mga nasasakupan ang kanilang ginawa upang ma-modernize ang monarkiya sa pamamagitan ng kanilang events at projects.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Denmark, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
Read More:
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT