Suplay ng dugo sa Red Cross GenSan, kinukulang na
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Suplay ng dugo sa Red Cross GenSan, kinukulang na
Jay Dayupay,
ABS-CBN News
Published Jan 18, 2018 04:11 PM PHT

GENERAL SANTOS CITY - Nanawagan ang administrator ng Philippine Red Cross sa lungsod na ito sa mga blood donor na mag-donate ng dugo dahil kinukulang na ang suplay sa kanilang blood bank.

Ayon kay Merly Gludo, ang administrator ng PRC GenSan at Sarangani chapter, patuloy na tumataas ang demand sa suplay ng dugo.

“Araw-araw nagre-release tayo ng 40 hanggang 50 blood bags. Napakarami pa rin kasing trauma cases ngayon at mga vehicular accident na kakailanganin ang dugo," ani Gludo.

Gusto ring makasiguro ng Red Cross na may sapat na dugo na naka-imbak sa kanilang blood bank. Sa ngayon, kulang ang suplay ng halos lahat ng blood type, pero ang type o ang may pinakamataas na demand.

Dagdag pa ni Gludo, nagsimula na ang lean months kaya nanawagan na sila ng dagdag na blood donors.

“Umaapela kami sa lahat sa public na bukas po ang ating tanggapan sa ating mga blood donors. We need to make sure that we have back up supply. We need you to help our kababayans in need," aniya.

Ang pagdo-donate ng dugo ay boluntaryo lang na ginagawa pero may maganda din itong naidudulot sa katawan ng donor, ayon kay Gludo.

“Hindi ka kasi pwedeng magdonate ng dugo kung hindi ka healthy. Kaya kapag nagdonate ka nalalaman ng mga doktor natin kung malusog ka o hindi," aniya.

Binibigyan din ng donor’s card ang mga nagdo-donate ng dugo na pwedeng gamitin o ipagamit sa mga kaibigan sakaling may mangailangan ng dugo para sa blood transfusion.