Mga estudyanteng pinagtripan ang fire alarm, paparusahan
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga estudyanteng pinagtripan ang fire alarm, paparusahan
Rex Ruta,
ABS-CBN News
Published Jan 18, 2019 03:36 PM PHT
|
Updated Jan 18, 2019 04:19 PM PHT

PUERTO PRINCESA CITY – Sasampahan ng kaukulang parusa ng Palawan State University ang mga estudyante na nakita sa kumakalat na video sa social media na pinaglalaruan ang fire alarm ng eskuwelahan.

Trending ang tinaguriang 'fire alarm scandal' video sa Palawan State University na nai-upload noong Enero 2 sa Facebook.

Makikita sa video na nagkakatuwaan ang mga magkakaibigan kung saan ang unang dalawang estudyante ang sumubok na pumindot sa alarm pero hindi ito tumunog.

Ginaya ng isa nilang kasamahan ang tunog ng fire alarm. Dahil hindi nakuntento, binuksan ng isa sa kanila ang takip ng fire alarm at pinindot ito. Laking gulat nilang lahat nang tumunog ang alarma.

Nagbigay pa ng credits sa pagtatapos ng video na tila isang palabas sa telebisyon.

Umani ang nasabing video ng higit sa 2 milyon views at nai-share ng lampas sa 60,000 sa Facebook.

Hindi ito nagustuhan ng unibersidad kaya ipinatawag ang mga estudyante at mahaharap sa kaparusahan alinsunod sa kanilang students’ handbook.

Pero kailangan pa rin daw na makausap ang kanilang mga magulang.

“So we discussed this with the students. The committee decided then that before we enforce any sanction, I am calling up the parents to a meeting. We should have a meeting because to be fair for them to impose any disciplinary action without the knowledge,” sabi ni Dr. Grace Abrina, director ng Office of the Students Affairs ng unibersidad.

Mabuti na lamang ay Sabado ito nangyari kaya kakaunti lamang ang estudyanteng naistorbo ng fire alarm.

Humingi man ng dispensa ang mga estudyante, hindi raw ito dapat na kunsintihin.

Binisita na rin ng Bureau of Fire Protection o BFP ang unibersidad para magsagawa ng sarili nilang imbestigasyon at makausap ang mga estudyanteng nasa video.
Napapaloob sa Section 8 ng Republic Act 9514 o Fire Code of the Philippines ang pagbabawal o pagbibigay ng mali o malisyosong fire alarms. Ang sinuman na lumabag ay papatawan ng P4,000 multa para sa first offense at P12,000 kung masusundan pa ito.

Magsilbi din daw sana itong babala sa mga nagbabalak na tularan ito.
Ang ‘false alarm’ gaya ng ginawa ng mga estudyante ay pwede raw magdulot ng panic sa mga tao at maging sanhi ng sakit at kamatayan para sa iba.

Sinubukan naman ng news team na makuha ang panig ng mga estudyante pero tumanggi na silang magsalita. Handa naman daw silang tanggapin kung ano ang kaparusahan pero sana raw ay hindi maapektuhan ang kanilang pag-aaral.

Read More:
tagalog news
Fire alarm
bureau of fire protection
trending
Palawan State University
social media
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT