'Away bata': Palasyo, ayaw patulan ang bangayan ni Isabelle Duterte, anak ni Bong Go

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Away bata': Palasyo, ayaw patulan ang bangayan ni Isabelle Duterte, anak ni Bong Go

ABS-CBN News

Clipboard

Mainit ang palitan ng tweets ng apo ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng anak ni Special Assistant to the President na si Bong Go.

Nag-ugat ang lahat sa tweet ng anak ni Go na si Chrence.

“Parang may sense of entitlement ang dating. Nagpose pa siya sa seal. Weird, so weird,” ani Go, na tila pasaring sa apo ni Duterte na si Isabelle.

Kamakailan, naging mainit na usap-usapan ang pre-debut pictorial ni Isabelle sa Malacañang kung saan nag-pose pa malapit sa Presidential Seal ang dalagita.

ADVERTISEMENT

Pero sumagot si Isabelle sa tweet ni Chrence: “Weird lang dahil papa mo yung kausap in the process.... Omg!?!???? Shocker.”

Hindi pa roon natapos si Isabelle at humirit pa siya ukol sa trabaho ng ama ni Chrence.

"You bash someone related to the person who your dad works for, konteng tingin sa pinanggalingan. Keep your feet on the ground."

Nagbanta pa ito na isisiwalat ang "scandal" ng pamilya ni Go kapag hindi ito tumahimik.

"If you've lost that much respect for our family, I won't hesitate to spill everything I know about your [family]," ani Isabelle.

Pero para sa Palasyo, hindi na dapat itong pagtuunan ng pansin dahil away lamang ito ng kabataan.

"Presidential Spokesperson does not comment on petty fight of teenagers," ani Harry Roque, tagapagsalita ni Duterte.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.