Nagbebenta umano ng fake vaccination card sa Cavite arestado
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Nagbebenta umano ng fake vaccination card sa Cavite arestado
Jekki Pascual,
ABS-CBN News
Published Jan 19, 2022 06:30 AM PHT

Arestado ang 1 babaeng nagbebenta umano ng pekeng vaccination card sa lungsod ng Dasmariñas, Cavite.

Ayon sa ulat ng Dasmariñas City Police Station, nakatanggap sila ng tip mula sa isang concerned citizen na may isang "vaxx card for sale" na aktibidad na ginagawa ng 1 babae sa Barangay Salawag.

Kasama rin aniya sa binebenta ang pekeng certificate of vaccination, kaya nagkasa ang mga operatiba ng entrapment operation Lunes ng gabi.

Nahuli ang 57-anyos na babae sa kaniyang bahay. Nakuha rin ang isang umano’y pekeng vaccination card at certificate of vaccination. Nakumpiska rin ang 2 P500 bill na ginamit na pambayad umano sa card. Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases Act.

Inaalam pa ng pulis kung nakapagbenta na ba ang suspek sa ibang mga tao at kung may kasabwat pa siyang iba, lalo na ngayon na mas mahigpit na ang pagpapatupad sa mga ordinasa sa iba't ibang LGU ukol sa limitadong galaw ng hindi bakunado.

Nauna nang nagbabala ang PNP sa publiko na huwag gumawa o bumili ng pekeng vaccination card at ito'y labag sa batas.