3 estasyon ng LRT 2 target buksan ngayong linggo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
3 estasyon ng LRT 2 target buksan ngayong linggo

Jacque Manabat,
ABS-CBN News
Published Jan 21, 2021 12:24 PM PHT
|
Updated Jan 21, 2021 06:26 PM PHT

MAYNILA (UPDATE) — Target buksan sa Biyernes ang 3 estasyon ng LRT 2 na isinara nang mahigit isang taon na.

Sa isang pahayag, sinabi ng pamunuan ng LRT na nakapagsagawa na sila ng tests para sa “stability and reliability” ng provisional power supply sa mga estasyon ng Santolan, Anonas, at Katipunan, pero may mga ilalatag na restriksyon at limitasyon sa muling pagtakbo ng mga tren.

“We will resume whole line operations with limitations and restrictions while the full restoration and repairs of the fire-damaged Rectifier Substation (RSS) Nos. 5 and 6, signaling and telecommunications are simultaneously being undertaken,” ani LRT Administrator Gen. Reynaldo Berroya.

Naglabas na rin ang LRT-2 ng schedule sa pagsakay ng tren:
Naglabas na rin ang LRT-2 ng schedule sa pagsakay ng tren:
ADVERTISEMENT
SANTOLAN
- First commercial trip - 5:00 a.m.
- Last commercial trip - 8:30 p.m.
- First commercial trip - 5:00 a.m.
- Last commercial trip - 8:30 p.m.
RECTO
- First commercial trip - 5:00 a.m.
- Last commercial trip - 9:00 p.m.
- First commercial trip - 5:00 a.m.
- Last commercial trip - 9:00 p.m.
Magugunitang isinara ang 3 estasyon dahil sa pagkasunog ng power supply sa Santolan Station noong Oktubre 2019.

Back on track: Three closed LRT-2 stations set to reopen
SANTOLAN, Pasig – Train services from Santolan terminal station in Pasig to Recto terminal station in Manila will resume on Friday, January 22, 2021. pic.twitter.com/Xi399awE8v
— LRT2 (@OfficialLRTA) January 21, 2021

Pansamantalang power supply pa lang ang inilagay sa railway system dahil aabutin daw ng isang taon pa para mailagay ang permanenteng power supply nito.

At dahil pansamantala pa lamang ang power suppy dito, ang biyahe mula Santolan hanggang Recto na dati ay umaabot ng 20 hanggang 25 minuto ay magiging 35 minuto na.

Ayon naman kay Hernando Cabrera, tagapagsalita ng LRT 2, hinintay lang muna nila ang safety certificate bago patakbuhin ang tren sa estasyon sa Santolan, Anonas at Katipunan.

Nagtagal daw ang pagsasaayos ng power supply dahil inabutan ng pandemya ang pagbili ng mga bahagi nito.
Nagtagal daw ang pagsasaayos ng power supply dahil inabutan ng pandemya ang pagbili ng mga bahagi nito.
ADVERTISEMENT
Mas maraming tren sa LRT-2
Sabi naman ni Berroya, pinaplano na ng pamunuan ang pagde-deploy ng mas maraming tren sa LRT-2 kaya pinabibilisan na nila ang restorasyon ng down trains.

“Fielding more trains will reduce the current headway and add more passengers to our current 32,000 average daily ridership as affected by the pandemic restrictions,” aniya.

Nagpaalala naman ang pamunuan sa pagsunod ng mga pasahero sa safety protocols kontra COVID-19.

Magpapatupad din ang LRT ng cashless transactions sa pagbili ng mga ticket, at nag-abisong gamitin ang ticket vending machines.

RELATED VIDEO
Read More:
LRT 2
transportation
LRT 2 Santolan Station
LRT 2 Anonas Station
LRT 2 Katipunan Station
TeleRadyo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT