Customs maghihigpit sa 'ukay-ukay' items sa gitna ng 2019-nCoV scare
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Customs maghihigpit sa 'ukay-ukay' items sa gitna ng 2019-nCoV scare
ABS-CBN News
Published Jan 29, 2020 04:23 PM PHT
|
Updated Jan 29, 2020 08:23 PM PHT

MAYNILA —(UPDATED) Hihigpitan na ng Bureau of Customs (BOC) ang pagpasok sa bansa ng "ukay-ukay" items sa gitna ng banta ng nakamamatay na 2019-novel coronavirus (2019-nCoV) o ang virus na nagmula sa Wuhan, China.

Batay sa Republic Act 4653, ilegal talaga ang pagpasok ng mga second-hand na kasuotan mula sa ibang bansa para gamitin sa negosyo, pero marami pa rin ang nakalulusot dahil sa industriya ng ukay-ukay.

Sabi ni BOC assistant commissioner Vincent Maronilla, mas paiigtingin pa nila ang pagtitiyak na hindi makapapasok ang ukay items sa Pilipinas.

"Iyang ukay-ukay kaya banned iyan kasi may health issues diyan. We are not discounting that if ever na mayroon at dumaan 'yan sa any country affected by nCoV, that might be infected. There is a high risk na they might carry those viruses and we don't want that," paliwanag ni Maronilla.

Wala pang pruweba kung saan at paano naipapasa sa tao ang virus pero ayon sa BOC, mabuti na ang nag-iingat.

Ayon kay Dr. Susan Mercado, special envoy of the President for global health initiatives, parasitic ang 2019-nCov, at hindi ito maaaring mabuhay kung walang live host. Hindi maaaring magtagal ang virus sa mga bagay katulad ng kahon, damit, plastic, atbp.

Maging ang pagpasok ng exotic animals sa mga paliparan ay hihigpitan na rin ng BOC dahil hinihinalang sa wild animals nanggaling ang Wuhan virus.

—Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT