Customs 'fixer' Mark Taguba, ipinaaaresto na dahil sa P6.4-bilyong shabu shipment | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Customs 'fixer' Mark Taguba, ipinaaaresto na dahil sa P6.4-bilyong shabu shipment
Michael Delizo,
ABS-CBN News
Published Jan 31, 2018 06:45 PM PHT
|
Updated Jan 31, 2018 07:21 PM PHT

Taguba, sinundo ng NBI sa Senado
Taguba, sinundo ng NBI sa Senado
MANILA (UPDATE) - Ipinaaaresto na ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 46 ang customs fixer na si Mark Taguba dahil sa pagkakasangkot niya sa pagpuslit ng P6.4 bilyon na halaga ng "shabu" mula China sa Manila port noong nakaraang taon.

Bukod kay Taguba, ipinaaresto din ang iba pang sangkot sa maanomalyang shabu shipment gaya ng mga negosyanteng sina Manny Li at Kenneth Dong, customs broker na si Teejay Marcellana, mga Taiwanese na sina Chen I-Min, Jhu Ming Jyun at Chen Rong Huan, gayundin ang may-ari ng EMT Trading na si Eirene Mae Tatad.

Ang naturang kaso ay kaugnay sa kanilang paglabag umano sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 dahil sa importasyon ng ilegal na droga.

Batay sa rekomendasyon, hindi maaaring magpiyansa ang mga akusado.
Batay sa rekomendasyon, hindi maaaring magpiyansa ang mga akusado.
ADVERTISEMENT
Bandang 6:21 ng gabi Miyerkoles, sinundo si Taguba ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) mula sa Senado, kung saan ito nanatili mula nang humarap sa mga pagdinig ukol sa shabu shipment at umano'y korapsyon sa Bureau of Customs (BOC).

Ayon sa ilang source, dadalhin umano si Taguba sa NBI.

Nakasuot ng dark jacket at sombrero si Taguba nang ilabas sa kaniyang kwarto sa basement ng Senate building.

Samantala, ang Chinese businessman na si Chen Ju Long o Richard Tan o Richard Chen ay hindi kabilang sa arrest order dahil sa nakabinbin nitong motion to dismiss.

Una nang sinampahan ng panibagong kaso ng Department of Justice (DOJ) ang mga respondent kaugnay ng paglusot ng bilyong halaga ng shabu shipment sa pantalan ng Maynila noong Mayo 2017.

Bukod pa ito sa nauna nang kaso na isinampa ng DOJ sa Manila RTC.

Matatandaang inilipat ng DOJ sa Manila RTC ang kasong drug importation laban sa mga nabanggit na respondents makaraang ibasura ng Valenzuela RTC ang isinampang kaso ng DOJ dahil sa kawalan ng jurisdiction.

Ang insidente ay nagbunsod ng mga imbestigasyon sa Kongreso, kung saan isiniwalat ni Taguba ang umano'y talamak na korupsyon sa BOC.