SUV nahulog sa bangin
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
SUV nahulog sa bangin
Dynah Diestro,
ABS-CBN News
Published Jan 31, 2019 08:08 PM PHT

Nahulog ang isang SUV sa 50-talampakang bangin sa bayan ng Sapangdalaga, Misamis Occidental nitong Martes ng gabi.

Ayon kay SPO3 Ryan Oliveros, imbestigador ng Sapangdalaga Municipal Police Station, pagmamay-ari ni Elias Dimaraw ang SUV at minamaneho ng kaniyang pamangkin na si Nasid Ismael.

Nakaligtas ngunit nagtamo ng galos at pasa sa ilang bahagi ng kanilang katawan ang 5 pasahero ng SUV.

“Madilim kasi ‘yong area na ‘yan, sharp curve ‘yong daan, under construction at walang nakalagay na mga road signages,” ani Oliveros.

Galing Marawi City ang mga biktima at patungo sa pier ng Dapitan upang sumakay ng barko.

Agad namang nakuha ng may-ari ang sasakyan kinaumagahan.

Paalala ng mga awtoridad sa mga motorista na magdahan-dahan sa pagpapatakbo lalo na kung hindi kabisado ang daan para makaiwas sa disgrasya.