Ilang guro dama ang problema sa attendance ng mga estudyante sa distance learning

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang guro dama ang problema sa attendance ng mga estudyante sa distance learning

Arra Perez,

ABS-CBN News

Clipboard

Magkapatid na lumalahok sa distance learning mula sa kanilang bahay noong Setyembre 4, 2020. George Calvelo, ABS-CBN News/File

MAYNILA — Sa 3 dekadang pagiging guro ni Rolando Reyes Jr., ngayong pandemya lang niya naranasan ang mas mababa pa sa kalahati sa kabuuang bilang ng kaniyang estudyante ang pumapasok sa klase.

"Ang klase ko kanina umabot sa 12... 56 (lahat ng estudyante) 'to eh," kuwento ni Reyes.

Kabilang umano sa mga dahilan kung bakit hindi nakakasama sa online class ang mga estudyante ay problema sa internet connectivity.

"Hindi rin natin masasabi kung 'yong bata may load o wala. Beyond our control na po," ani Reyes.

ADVERTISEMENT

Nasa 26 out of 52 students naman ang pumasok sa klase ni Barbara Jardeleza, na aniya'y improvement na kumpara sa attendance noong Nobyembre hanggang Disyembre.

"Talagang walang load 'yong ibang bata. Ikalawa, kung meron mang load, 'yong iba naman dead spot 'yong area nila. Ibig sabihin, talagang hirap sila na makakuha ng signal," ani Jardaleza.

"Nale-late sa klase 'yong iba, siguro na rin dahil marami silang gawain din sa bahay," dagdag niya.

Para sa mga guro, may problema sa class attendance at participation ngayong distance learning.

Sa panig ng Department of Education, wala namang maituturing na malaking bilang ng dropout batay sa assessment ng kanilang field offices.

ADVERTISEMENT

"Wala pa kami basehan na maka-conclude na mayroong massive dropouts," ani Education Secretary Leonor Briones.

Sabi naman ni Alliance of Concerned Teachers Secretary General Raymond Basilio: "'Pag hindi pumasok, hindi nagpasa ng module, hindi nagpasa ng academic requirements, ay hanapin ni teacher ang mga bata, gawan ng paraan upang maibalik sila sa pag-aaral."

"Kaya kung sa number po talaga, walang lalabas na number ngayon. Ang tanging maipapakita ng mga teachers ngayon ay 'yong attendance sa loob ng kanilang online classes, 'yong submission ng mga academic requirements sa modular classes," ani Basilio.

Para naman kay Sen. Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate basic education committee, dapat i-assess ng DepEd kung talagang natututo ang mga kabataan sa distance learning.

May mga bata kasi gaya ni Kate na 2 buwan nang hindi pumapasok.

ADVERTISEMENT

"Kasi naka-focus kami kay nanay. Pabalik-balik kami sa ospital tapos hindi namin maasikaso ang mga bata," ani Florida Bonzo, tita ni Kate.

"Minsan sa module kami naghahabol," aniya.

Dalawang buwan na ring liban sa klase ang Grade 9 student na si Junrain, na nagpasyang sa susunod na school year na lang itutuloy ang pag-aaral.

Ayon kay Briones, ipinatupad ang academic ease para matulungang makaagapay sa distance learning ang mga estudyante at guro.

Umaasa naman ang mga guro na hindi matatapos sa polisiya ang tugon ng DepEd.

ADVERTISEMENT

"Sana tugunan ng Department of Education rather than saying na walang dropouts, walang data ng dropouts sa ating bansa. Tingnan iyong kalagayan ng mga klase ng ating mga guro at solusyonan ang mga problemang ito," ani Basilio.

Sa datos ng DepEd, higit 25 milyong estudyante ang naka-enroll sa basic education.

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.