Lalaking nanigarilyo sa pampublikong lugar, hinuli, pinosasan sa Mandaluyong
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking nanigarilyo sa pampublikong lugar, hinuli, pinosasan sa Mandaluyong
ABS-CBN News
Published Feb 03, 2018 01:42 PM PHT

Isang lalaki ang pinosasan ng mga awtoridad sa labas ng isang mall sa Mandaluyong City matapos itong maaktuhan umano na naninigarilyo sa pampublikong lugar, labag sa kautusan laban dito.

Sa isang video na kumakalat na sa social media, kitang nakaposas at hinatak palayo sa lugar ang isang ‘di pa nakikilalang lalaki.

“Akala mo 'yung mga nahuhuli ay isang kriminal. Yosi lang po 'yan kuya, ‘di siya magnanakaw. Dapat ticket lang muna,” saad ni Steph Sorongon sa caption ng video na ini-upload niya sa Facebook.

“‘Yung ibang MMDA sana tutulong sana kasi akala nila magnanakaw kaya tumakbo si kuya. Pero nung nalaman nilang nagyoyosi lang si kuya, biglang gulat nila na bakit pinapadapa pa si kuya kanina,” dagdag ni Sorongon.

Ipinatupad ang pambansang kautusan laban sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar noong nakaraang taon.

Sa ilalim ng Executive Order No. 26 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo 2017, ang mga maninigarilyo sa mga pampublikong lugar ay maaaring pagmultahin ng P500 hanggang P10,000.