Eroplano bumagsak sa beach sa Palawan

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Eroplano bumagsak sa beach sa Palawan

Lynette Dela Cruz,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 06, 2019 05:57 PM PHT

Clipboard

Bumagsak na eroplano sa dagat ng Palawan. Photo courtesy: Alvin JR San Juan

SAN VICENTE, Palawan - (UPDATED) Sugatan ang piloto at kasama nito nang bumagsak ang kanilang eroplano sa beach na bahagi ng bayang ito, Linggo ng hapon.

Ayon sa San Vicente police, galing sa San Vicente Airport ang private plane na pagmamay-ari ng Royal Air Transport Service. Karga ng eroplano ang mga live fish na dadalhin sana sa Maynila.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumitaw na nagkaroon umano ng left engine failure ang maliit na eroplano kaya't ibinagsak na lang ito ng piloto sa dagat na bahagi ng Palawan.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), nasa 150 talampakan ang lipad ng Piper Aztec type na eroplano nang magpasya ang pilotong mag-emergency landing.

ADVERTISEMENT

Nakita ito ng mga tauhan ng ilang resort sa lugar at agad na ipinagbigay alam sa awtoridad. Agad namang rumesponde ang pulisya, Rescue 165 at Philippine Marines.

Nagtamo naman ng mga sugat sa katawan ang pilotong si Capt. Muniandy Harihalan at ang kanyang co-pilot. Ligtas naman ang kanilang ang kalagayan, ayon sa CAAP.

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.