LTO fixer, binatilyo tiklo sa QC dahil sa droga

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

LTO fixer, binatilyo tiklo sa QC dahil sa droga

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv


MANILA - Arestado ang isang 16 anyos na lalaki at ang isang babaeng supplier umano nito ng droga sa sa Janet extension, Tandang Sora, Quezon City, Lunes.

Ayon sa pulis at barangay, nakita ng mga rumorondang tauhan ng Quezon City Police District Station 3 ang lalaking si alyas Chan na may hawak umanong sachet ng shabu sa may San Miguel Compound alas-3 ng madaling-araw.

Nang arestuhin, itinuro ni Chan ang bahay ng umano’y supplier niya. Doon naaresto ang 38 anyos na LTO fixer na si alyas Irene.

Nakuha sa bahay ni Irene ang 3 sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

ADVERTISEMENT

Itinanggi ni Irene na kanya ang mga nasabat. Aminado itong baguhan lang siya sa paggamit ng droga pero hindi aniya siya nagbebenta nito.

Inudyok pa nito ang umiiyak na binatilyong amining pinilit lang siya ng mga pulis na magturo ng pinagkukunan niya ng droga.

Ayon kay Jun Altaras, executive officer ng Barangay Tandang Sora, labas-masok na sa barangay ang lalaki na kilala umanong akyat-bahay at ginagamit umanong runner ng mga nagbebenta ng shabu.

Dose anyos pa umano ang lalaki nang isama sa drugs watchlist ng barangay.

Sumuko na rin noon ang binatilyo para sa paggamit ng shabu at sumailalim sa programa ng barangay pero hindi umano siya huminto sa iligal na gawain.

Haharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act pero itu-turn over ang binatilyo sa DSWD.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.