Cebu City zoo, isasara dahil sa korapsyon

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Cebu City zoo, isasara dahil sa korapsyon

Jude Torres,

ABS-CBN News

Clipboard

Nakatakdang ipasara ng lokal na pamahalaan ang Cebu City zoo dahil sa mga alegasyon ng korapsyon.

Noong 2016, makikita pa sa halos 1,000 hawla ng zoo ang iba't ibang uri ng ibon at iba mga hayop.

Pero sa pag-iikot ng ABS-CBN News noong Martes, napag-alamang 15 hayop na lang ang natitira sa lugar, kabilang ang 1 black ape, 3 civet cat, 1 Malayan soft shell turtle at 10 buwaya.

Marso 2016 nang inanunsyo ni Cebu City Mayor Tomas Osmeña ang planong ipasara ang zoo dahil nagagamit lang umano ito sa katiwalian, gaya ng overpricing sa pagkain ng mga alagang hayop.

ADVERTISEMENT

Karamihan sa mga hayop na dating inaalagaan doon ay kinuha na ng mga may-ari habang dinala naman ang iba sa Department of Environment and Natural Resources at nakatakdang i-turnover sa Amlan Zoo sa Negros Oriental.

Kwento ng animal keeper na si Valentino Ontong, "Nakakalungkot kapag kinukuha nila ang mga hayop. Napamahal na kasi sa akin ang mga ito."

Ayon kay zoo administrator Filar Romera, hinihintay pa nila ang pinal na pasya ni Osmeña at ng city council ukol sa petsa ng pagpapasara sa zoo.

Kapag tuluyan nang ipinasara ang lugar, gagawin itong theme park ng provincial government.


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

ad