Lalaki, pinatay at sinunog ng sariling anak

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki, pinatay at sinunog ng sariling anak

ABS-CBN News

Clipboard

SALVADOR BENEDICTO, Negros Occidental - Patay ang isang lalaki matapos pagtatagain at sunugin ng sariling anak sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Igmaya-an sa bayang ito Lunes ng gabi.

Natutulog ang lalaki kasama ang kaniyang asawa nang pasukin ng kanilang 40 anyos na anak na lalaki ang kanilang bahay.

Pinagtataga ng anak ang kaniyang ama hanggang mamatay. Pagkatapos ay hinila nito ang bangkay palabas ng bahay at saka sinunog.

Sinubukang pigilin ng kaniyang ina ang suspek pero maging siya ay tinaga rin.

ADVERTISEMENT

Nakatakas ang ina na ngayon ay nagpapagamot sa isang ospital sa Bacolod City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, may problema umano sa pag-iisip ang nakatakas na suspek.

Lumalabas rin na iniwan ito ng kaniyang asawa nitong nakaraang linggo na maari umanong nakaapekto sa kaniyang pag-iisip ayon sa pulisya.

Nakatakda na rin sanang sumailalim sa medical check-up ang suspek bago pa naganap ang insidente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.