Optional motor vehicle inspection system malaking dagok sa ilang negosyante
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Optional motor vehicle inspection system malaking dagok sa ilang negosyante
ABS-CBN News
Published Feb 12, 2021 03:55 PM PHT

MAYNILA - Itinuturing ng isang grupo na malaking dagok na huwag nang gawing mandatory ang pagpapainspeksiyon ng mga sasakyan sa private motor vehicle inspection centers (PMVIC).

"Napakalaking epekto sa'min 'to. We will be operating at a loss," ani Iñigo Larrazabal, pinuno ng Vehicle Inspection Center Operators Association of the Philippines, sa panayam sa Teleradyo nitong Biyernes.

Iniutos kamakailan ng Malacañang na hindi na mandatory ang motor vehicle inspection system kasunod ng mga reklamo ng ilang motorista sa mataas na singil nito.

Magugunitang kinuwestiyon ng ilang mambabatas ang basehan sa pagsasagawa ng PMVICs. Tumaas umano sa P1,500 mula P500 ang testing fee habang posibleng umabot sa P3,000 ang fee sa pagsasapribado ng vehicle inspection.

Pinabulaanan naman ng VICOAP na may monopolyo sa pagpribado ng vehicle inspection.

"I don't agree with the monopoly po kasi for example, in my case, in Ormoc City, in my area, ako lang ang nabigyan ng award. This year, magbi-bid na naman sila ng 3 centers," ani Larrazabal.

"'Yong sinasabi nilang monopolya, I don't know how they came up with that assumption."

Dahil sa pakiusap ng gobyerno dahil may pandemya pa, nagbaba na rin ang PMVICs ng kanilang singil sa inspeksiyon na kapantay ng mga private emission testing centers. Nasa P500 para sa mga motorsiklo at P600 sa mga pribadong sasakyan.

"Your vehicle is thoroughly checked in our center. Sa kanila (PETCs), usok lang ang chine-check. So wala talagang comparison eh," ani Larrazabal.

Sa PMVIC, may 70 point series o buong sasakyan ang naiinspeksiyon nang halos walang human intervention.

Read More:
Teleradyo
Vehicle Inspection Center Operators Association of the Philippines
VICAOP
Iñigo Larrazabal
private motor vehicle inspection center
PMVIC
MVIS
motor vehicle inspection system
car registration Philippines
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT