8 patay sa hagupit ni 'Basyang' sa Caraga

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

8 patay sa hagupit ni 'Basyang' sa Caraga

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Umakyat na sa 8 ang nasawi sa pananalasa ng Bagyong Basyang sa rehiyon ng Caraga, sinabi ng Office of Civil Defense ngayong Miyerkoles.

Apat sa mga biktima ang namatay sa pagguho ng lupa sa Surigao Del Sur, ayon sa pahayag ni OCD-Caraga director Lisa Mazo.

Sa Surigao Del Norte, landslide din aniya ang ikinamatay ng 3 iba pa samantalang nalunod ang isang 10-taong-gulang na bata.

Nag-landfall ang Bagyong Basya sa Cortes, Surigao del Sur nitong Martes. Inaasahang muli itong tatama sa lupa sa Palawan ngayong Miyerkoles, ayon sa state weather bureau PAGASA.

ADVERTISEMENT

Makararanas ng mga pag-ulan ang Palawan, Visayas, Bicol, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Caraga dahil sa bagyo, sabi ng ahensya.

Para sa iba pang ulat-panahon, bisitahin ang ABS-CBN Weather Center.

May ulat ni May Diez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.