Drop-box application ng PAGCOR para sa hihingi ng tulong-pinansyal inilunsad | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Drop-box application ng PAGCOR para sa hihingi ng tulong-pinansyal inilunsad

Drop-box application ng PAGCOR para sa hihingi ng tulong-pinansyal inilunsad

ABS-CBN News

Clipboard

Dropbox ng PAGCOR para sa mga nais humingi ng ayuda. Screengrab

Sa ngayon, hindi na kailangan pang pumila sa opisina ng Philippine Amusement and Gaming Corporation para humingi ng ayuda.

Sa bisa ito ng "no-contact" application na ipinapatupad ng ahensiya para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay PAGCOR Corporate Communications Associate Vice President Carmelita Valdez, naglatag sila ng mga dropbox para doon ilagay ng mga aplikante ang kanilang requirements.

Tingin ni Valdez na pabor ito sa mga nanghihingi ng tulong lalo na't pilahan ang inaabot ng kanilang tanggapan sa paghingi ng ayuda.

ADVERTISEMENT

"Araw-araw ang pila dito ng humihingi ng tulong, ng financial assistance inaabot hanggang sa kabilang kanto, kawawa din sila, ang ilan may sakit din. Mas convenient nga sa kanila dahil hindi na kinakailangan pang pumila sa labas sigurado naman na aaksyunan yan ng PAGCOR," ani Valdez.

Kailangan lang kumpleto ang mga requirements at tiyaking may contact number ang dokumento.

Narito ang requirements sa paghingi ng PAGCOR medical assistance

  • Nilagdaang request letter na naka-address kay PAGCOR o kay chairman Andrea Domingo
  • Medical Abstract
  • Social case study
  • Photocopy ng lahat ng valid government ID ng pasyente at kaanak nito
  • Contact numbers
  • email address
  • Patunay na inayudahan ng Philippine Charity Sweepstakes Office

Dapat siguruhin ding totoo ang mga papeles dahil makakasuhan ang mga namemeke nito.

Makukuha anila ang resulta sa loob ng tatlong linggo hanggang isang buwan.

Kahit anong sakit ang maaaring ilapit. Pero ang prayoridad ngayon ng PAGCOR ay ang mga manghihingi ng ayuda para sa chemotheraphy at dialysis.

ADVERTISEMENT

Pinag-aaralan din ng PAGCOR kung pananatilihin nila ang sistema matapos humupa ng COVID-19.

Tutol naman dito si Ronwaldo Sarile, na nanghingi ng tulong sa PAGCOR para sa anak na may pulmonya.

"Mas maigi po sana yung mismo sa kanila hihingi tulong lalapit sa kanila magpapasa ng papel para mas ok po sana yung pag interview nila at para masabi din namin mga kailangan talaga namin ng ayos po," paliwanag niya.

Tiniyak naman ng PAGCOR na agad nilang aaksyunan ang mga aplikasyon at pananatilihing confidential ang mga datos na ilalagay sa dropbox.

-- Ulat ni Ron Gagalac, ABS-CBN News.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.