4 na lalaking nagpanggap na pulis arestado sa Tondo
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
4 na lalaking nagpanggap na pulis arestado sa Tondo
ABS-CBN News
Published Feb 14, 2022 01:46 PM PHT

MAYNILA—Kulong ang 4 na armadong lalaking nagtangkang pumasok sa isang condominium sa Tondo, Maynila.

Bandang alas-2 ng madaling-araw, dumating ang mga lalaki sa condo sa Velasquez Street at nagpupumilit pumasok.

Pakilala nila, mga pulis sila at miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group at may pupuntahan umano sa isa sa mga unit doon.

Agad naghinala ang mga sekyu ng establisimyento kaya hinanapan sila ng anumang pagkakakilanlan at katibayang pulis nga sila pero walang maipresenta ang mga lalaki.

Humingi ng tulong ang isa sa mga sekyu sa nagpapatrolyang mga pulis ng Manila Police District Station 1.

Natagpuan naman sa sasakyan ng mga suspek ang mga matataas na kalibre ng baril na loaded ng mga bala.

Wala rin silang bitbit na kaukulang dokumento ng mga ito.

Magkakapatong na kasong Usurpation of Authority, illegal possession of firearms and ammunition at paglabag sa Comelec gun ban ang haharapin ng mga inaresto.—Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News