Trahedya ng camping bus sa Tanay: Patay dumarami

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Trahedya ng camping bus sa Tanay: Patay dumarami

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 21, 2017 08:15 AM PHT

Clipboard

Rescue workers respond to the site of a vehicular accident involving a tourist bus carrying students from Bestlink College Novaliches at Magnetic Hill, Peligrino Farm, Sitio Bayukan, Barangay Sampaloc in Tanay, Rizal on Monday morning. At least 13 people were reported killed after the tourist bus lost control and hit an electric post. Edwina Osial, BMPM

MANILA (UPDATE) -- Labing-apat na ang kumpirmadong patay nang bumangga kaninang alas-8:40 ng umaga ang isang tourist bus galing Quezon City sa poste ng kuryente sa bisinidad ng Barangay Sampaloc, Tanay, Rizal.

Sampu ang dead on the spot, samantalang ang iba pa ay sa ospital na binawian ng buhay, ayon kay Bong Bati, administrative officer ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Tanay, Rizal.

Nasa San Isidro Funeral Homes ang sampu sa mga nasawi. Isa naman ang nasa Camp Capinpin, habang ang tatlong iba pa ay nasa FG Memorial Homes.

Sa naunang panayam sa DZMM TeleRadyo ilang oras matapos ang aksidente, 10 estudyante ang tinukoy na patay ni Engineer Carlos Inofre, hepe ng Tanay Disaster Risk Reduction and Management Office.

ADVERTISEMENT

Papunta sana sa camping sa resort sa Tanay ang mga sakay ng bus na pawang mga estudyante ng Bestlink College sa Novaliches.

Isa sa mga estudyante mula sa bus na naaksidente na nakapanayam ng DZMMTeleRadyo ang nagsabi na nakaamoy sila ng bagay na tila nasusunog. Hindi umano masyadong mabilis ang andar ng sasakyan, ngunit sila ay nasa matarik na lugar.

Ang mga sugatang pasahero ay nasa Amang Rodriguez Medical Center, Tanay General Hospital, Tanay Community Hospital, at Rizal Provincial Hospital.

Nasa humigit kumulang na 50 ang sakay ng bus na may plakang TXS- 325.

Nawalan umano ng preno ang bus, at pagtama sa bakal ang sinasabing ikinasawi ng 10 sa mga biktima, ayon kay Inofre.

ADVERTISEMENT

Hakbang ng LTFRB

Sinabi ni Atty Eileen Lizada, board member at tagapagsalita ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board, na ang operator ng naaksidenteng bus ay ang Panda Coach Tours and Transport, Inc., at ang address nito ay sa Marulas, Valenzuela, Metro Manila.

Pinahahanap na umano ng LTFRB ang driver ng bus upang makunan ng detalye.

Ang bus ay kasama sa 6 na mayroong prangkisa ng Panda hanggang Pebrero 2019, ayon kay Lizada.

PAUNAWA SA MGA KAANAK NG NASANGKOT SA TRAHEDYA: Maaaring tumawag sa mga hotline na inanunsiyo ng munisipyo ng Tanay: 0947 9469490, 654 1002

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.