DENR, mahigpit ang pagbabantay sa 'La Presa'
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
DENR, mahigpit ang pagbabantay sa 'La Presa'
Marianne Reyes,
ABS-CBN News
Published Feb 23, 2018 12:32 AM PHT

Mahigpit ang pagbabantay ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Sto.Tomas Forest Reserve.

Maraming turista ang nagnanais na makapunta sa Sto.Tomas, Tuba, Benguet simula ng sumikat ito bilang “La Presa”, ang lugar kung saan umikot ang storya ng pag-iibigan noon nina Agnes at Xander, ang matagumpay na teleseryeng "Forevermore."

Ang turistang si Zonia Pacquing, bumiyahe papuntang Benguet para makita ang La Presa, pero pagdating doon, nahirapan silang pumasok.

"Di kami basta basta makapasok, may kilala lang kaming residente dito kaya kami nakapasok," aniya.
"Di kami basta basta makapasok, may kilala lang kaming residente dito kaya kami nakapasok," aniya.
ADVERTISEMENT
Taong 2015 nang inilabas ang Permanent Environmental Protection Order para sa Mt. Sto Tomas.

Ayon kay Ronnie Batongan, ang officer-in-charge ng Enforcement Division ng DENR-CAR, inilabas ang kautusan para mapangalagaan ang lugar.

“To prohibit the influx of the tourist considering that the Sto.Tomas Forest Reserve is reservation owned by the government and to limit the anthropogenic activity within the area," aniya.

Dahil dito, nalugi ang ilang negosyo ng mga residente.

“Grabe and we are even buying water, wala kaming tubig and siyempre yung current everyday ano namin malaki talaga," ani Mercedes Balinggan.

Ayon naman kay Tuba Mayor Ignacio Rivera, balak daw nilang humingi ng konsiderasyon sa DENR lalo na papalapit na ang Semana Santa.

“We will have to compromise sana na 'di naman maapektuhan yung mga forest doon, pero we have to segregate yung mga pwedeng pasyalan lang, una sa lahat andiyan yung Stations of the Cross of the Catholic," ani Rivera.

Ayon sa DENR, kasalukuyan silang gumagawa ng management plan para sa Sto.Tomas kung saan papayagan ang pagpasok ng nga turista pero sa ilang bahagi lang. Kapag natapos, ipapasa nila ito sa Court of Appeals.

Pero sa ngayon, mas paiigtingin nila ang checkpoint sa iba pang daan papuntang Sto.Tomas. Humiling sila sa Philippine National Police ng karagdagang tulong sa pagbabantay.

Inaasahan kasi nilang dadagsa ang mga turista ngayong summer.
Inaasahan kasi nilang dadagsa ang mga turista ngayong summer.
ADVERTISEMENT
Paalala nila sa publiko, sarado pa rin ang Sto.Tomas sa mga turista. Hintayin na lamang umano na muling magbukas ito sa publiko.