Estudyanteng nag-quiz, ‘na-touch’ sa pagbitbit ng ‘striktong’ guro sa baby niya

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Estudyanteng nag-quiz, ‘na-touch’ sa pagbitbit ng ‘striktong’ guro sa baby niya

Job Manahan,

ABS-CBN News

Clipboard

LUCENA—Hindi inaasahan ni Hershy Pabrea na bibitbitin ng kaniyang teacher ang kaniyang 6 na buwang gulang sanggol para makapag-quiz lang siya ng maayos.

Sa retrato ni Pabrea sa Facebook noong Pebrero 13, makikitang bitbit ni Iji Alviso si baby Herven habang binabasa pa ang questionnaire ng quiz.

Strikto umano kasi na teacher si Alviso na nagtuturo ng subject na "Trends, Networks, and Critical Thinking in the 21st century," sa senior high school, ayon kay Pabrea, 18.

"Dinala ko po ang baby ko kasi walang magbabantay sa bahay. Nagulat po ako na binuhat [ni teacher] ang baby ko. Na-touch po ako kasi sa social media ko lang siya nakikita," sabi ni Pabrea sa panayam sa ABS-CBN News.

ADVERTISEMENT

Madalas niya bitbit ang sanggol dahil wala umanong magbabantay rito. Kahit sa pagkuha niya ng scholarships at kaniyang photoshoot para sa senior high school toga picture, dala-dala niya ang sanggol.

Sabi naman ni Alviso, hindi naman malaking bagay ang kaniyang ginawa kasi kahit sinong teacher ay gagawin din ito sakaling mapunta sa ganoong sitwasyon.

"Kaya naman gawin ’yun [ng] lahat ng teacher kung nabigyan ng pagkakataon. Nagkataon lang po na ako ang nasa ganoong sitwasyon," sabi ni Alviso.

Inamin din niya na strikto siya kaya siguro kinagiliwan ng mga estudyante ang kaniyang ginawa.

"Hindi po kasi ako ’yung tipong teacher na kinagigiliwan ng lahat ng estudyante. Tradisyonal po kasi ako magturo kaya siguro din po tuwang-tuwa ang [aking mga] estudyante," dagdag niya.

Gusto ni Pabrea na matapos sa kaniyang pag-aaral.

"Kahit [noong] buntis ako, pumapasok pa rin ako. Kasama ko [si baby]. Madami nagde-degrade sa akin, nagsasabing hindi ako makakapagtapos sa pag-aaral. Iniisip ko po na ipagpatuloy ko ang pag-aaral ko kahit po nagkaanak ako ng maaga," aniya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.