Pagkalat ng 'Momo Challenge' sinisilip na ng PNP
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagkalat ng 'Momo Challenge' sinisilip na ng PNP
ABS-CBN News
Published Feb 28, 2019 04:48 PM PHT
|
Updated Feb 28, 2019 11:14 PM PHT

Inatasan na ni Philippine National Police chief Police General Oscar Albayalde ang anti-cybercrime group ng PNP na maghanap na ng solusyon para mapigilan ang pagkalat ng online game na "Momo Challenge" sa bansa.

Ito ay matapos maitala ang ilang insidente ng pagkabalisa o kawalan ng gana, at maging umano ay pagpapatiwakal, ng ilang kabataan na lumahok sa challenge.

Sa online game, nag-uutos ng 50 tasks o gawain ang isang karakter na kung tawagin ay "Momo" na lumilitaw sa pinapanood na video sa social media o sa mga video app platform gaya ng Facebook o YouTube.

Magsisimula ang hamon ng karakter sa maliliit na utos hanggang sa uutusan nito ang bata na saktan ang sarili. Kapag hindi tumupad ang user sa utos ay tatakutin umano ito na papatayin siya o ang kaniyang mga magulang.

Ayon kay Albayalde, mahalagang mabantayan din ng mga magulang at guro ang mga kabataan para hindi na masundan pa ang pagkamatay ng mga kabataan dahil dito.

Dagdag niya, malaki rin ang tungkulin ng mga guro sa paggabay sa kanilang mga estudyante.

“Sa ating mga guro din siguro, isa ito sa maisama nila sa tamang pagturo para maiwasan ang suicidal thinking ng ating mga kabataan or itong challenges through the internet,” ani Albayalde.

Makikipag-ugnayan na raw ang PNP Anti-Cybercrime Group sa Department of Communications Technology at sa National Telecommunications Commission para maghanap ng solusyon kung paano maiba-block ang "Momo Challenge."

Ayon kay DICT acting Secretary Eliseo Rio walang kapangyarihan ang gobyerno na i-block o i-regulate ang mga aplikasyon gaya ng Facebook at WhatsApp sa pagtitigil ng naturang challenge.

Pero aniya, nakikipag-ugnayan ang kanilang ahensiya sa mga online platforms sa mga ulat ng cyberbullying at mga krimeng gaya nito.

Naunang sinabi ni Rio na maituturing na cyberbullying ang pagpapakalat ng mga nasabing challenge.

MGA EKSPERTO NAGBABALA
Nagbabala rin ang mga eksperto ukol sa nasabing challenge lalo na't may epekto sa pag-iisip ng bata ang challenge, at target nito ang mga batang nahuhumaling sa social media o sa internet.

Ayon kay Teresa Ramos, guro sa Headway School of Giftedness, maaaring isang artificial intelligence o tunay na tao ang karakter ni Momo.

Ayon naman sa National Bureau of Investigation Behavioral Sciences Division (BSD), hindi pa alam ng mga batang 5 hanggang 11 ang diperensiya ng katotohanan sa hindi kaya't napapasunod sila sa "Momo Challenge."

"Thrill 'yun (ang challenge) sa kanila, kasi bago. Tapos peer pressure. Nagiging outlet nila yon ng expression nila," ani Dr. Olivia Inoturan, medical specialist ng BSD.

Ipinayo din ni Inoturan na huwag maging agresibo ang mga magulang kapag napansing nagbabago ang pag-uugali ng anak gaya ng pagiging matatakutin, umiiyak, malihim, at wala sa normal ang kilos nila.

“Kausapin ang (bata) kung may pinagdadaanan. Kung tahimik sabihin hindi magagalit si Mama. Kausapin nang malumanay,” aniya.

Kung kinakailangan aniya, dapat kunin ang cellphone ng bata at kumonsulta sa isang espesyalista 'pag may pinagdadaanan dahil sa online challenge o sa cyberbullying.

Hinikayat din ng NBI na idulog sa kanila ang mga ganitong kaso. Nanawagan din ang PNP na i-report sa kanila ang insidente na may kinalaman sa "Momo Challenge."

Samantala, wala umanong ebidensiya sa kasalukuyan na makapagsasabing ipino-promote ng YouTube ang naturang challenge sa kanilang platform, ayon sa video-streaming site.

We want to clear something up regarding the Momo Challenge: We’ve seen no recent evidence of videos promoting the Momo Challenge on YouTube. Videos encouraging harmful and dangerous challenges are against our policies.
— YouTube (@YouTube) February 27, 2019

Inihayag ito ng YouTube sa kasagsagan ng mga ulat na may mga video umano ang naturang application na naglalaman ng mga content na kapareha ng mga nasa challenge.

Sa serye ng mga tweet, sinabi ng YouTube na walang "recent evidence" na makakapagsabi na may mga video umano sila na may kinalaman sa naturang challenge.

Nanawagan din ang YouTube na i-report ang mga marahas at mapanganib na content sa kanilang site gaya ng "Momo Challenge" sapagkat lumalabag daw ito sa kanilang mga polisiya.

-- May ulat nina Zhander Cayabyab at Niko Baua, ABS-CBN News
Editor's note:
Editor's note:
Para sa mga nakararanas ng emosyonal na krisis at nangangailangan ng tulong, maaaring makipag-ugnayan sa 24/7 Hopeline sa mga sumusunod na numero:
(02) 804-HOPE (4673)
0917 558 HOPE (4673)
2919 (toll-free number para sa mga GLOBE at TM subscribers)

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
balita
Momo Challenge
online challenge
viral
online
online video
YouTube
cyberbullying
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT