Angel Manalo, inaresto dahil sa kasong indiscriminate firing
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Angel Manalo, inaresto dahil sa kasong indiscriminate firing
ABS-CBN News
Published Mar 02, 2017 04:41 PM PHT
|
Updated Mar 02, 2017 08:48 PM PHT

MANILA (2ND UPDATE) - Inaresto si Angel Manalo, ang tiniwalag na kapatid ng Iglesia ni Cristo (INC) Executive Minister Eduardo Manalo dahil sa kasong indiscriminate firing, Huwebes.

Sa inisyal na impormasyon ng Quezon City Police District, walang habas umanong nagpa-putok ng baril sa may bahagi ng Culiat, Quezon City noong nakaraang araw si Angel Manalo.

Isang security guard umano ang sugatan sa nangyaring pamamaril at itinuturong nagmula ang sunod-sunod na putok ng baril sa bahay ni Angel.

QCPD: M-16 Armalite rifle at Shotgun, sinasabing narekober sa bahay ni Ka Angel Manalo! @DZMMTeleRadyo pic.twitter.com/vaKk4acvM3
— Jon Ibanez (@jonibanez35) March 2, 2017

Ayon kay Chief Supt. Guillermo Eleazar, isang M16 rifle at shotgun ang narekober nang kanilang pasukin ang bahay ni Angel.

Ihahain dapat ng mga pulis ang isang search warrant Huwebes ng umaga ngunit nagkaroon diumano ng putukan kung saan 2 pulis ang sugatan, ani Eleazar.

Sa isang pahayag, sinabi ng tagapagsalita ng Iglesia ni Cristo na si Bro. Edwil Zabala na lehitimo ang operasyon ng pulisya at na pinagdarasal nila ang agarang paggaling ng mga nasugatang pulis.

"It was a legitimate police operation and so, it would be proper if the answers to your queries will come from the police authorities. All I can say is we pray that the police officers injured by their gunfire will speedily recover, and thank them and their co-officers for their professionalism in the performance of their duty," ani Zabala.

Sa ngayon, mahigpit na ipinatutupad na seguridad sa Quezon City District Public Safety Battalion sa Camp Karingal at hindi na pinapasok ang mga kagawad ng media maliban na lamang sa media na may basbas ng Iglesia ni Cristo.

Sa Camp Karingal na rin magpapalipas ng gabi si Manalo at ang 31 kasamahan nito ayon kay Eleazar. - Ulat mula kay Johnson Manabat, DZMM/ABS-CBN News