Sanggol dinaganan, ate sinugatan ng inang hinihinalang may depresyon

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sanggol dinaganan, ate sinugatan ng inang hinihinalang may depresyon

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 28, 2019 04:10 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nasawi ang isang limang buwang sanggol habang sugatan naman ang kaniyang 11 anyos na kapatid nang laslasan sa pulso umano ng kanilang ina sa Dasmariñas, Cavite.

Sugatan din ang ina ng mga bata, na may laslas sa leeg, magkabilang pulso, at mga binti.

Idineklarang dead on arrival ang sanggol nang isugod sa ospital ang tatlo noong Miyerkoles habang patuloy namang inoobserbahan ang 11 anyos na babae at ang ina.

Batay sa imbestigasyon, nagising ang lola ng mga bata sa paghingi ng tulong ng nakatatandang kapatid matapos umano siyang sugatan ng kaniyang ina.

ADVERTISEMENT

Nadatnan na lang umano ng lola ang kaniyang anak, ang ina ng mga bata, sa kuwarto na duguan at puno ng sugat habang nakadagan sa sanggol.

Ang lola at ang sugatang ate ang humingi ng saklolo mula sa iba pang residente ng komunidad.

Bago ang insidente, nakitaan na umano ng senyales ng depresyon ang ina ng mga biktima.

Posible rin umanong nakararanas ng post-partum depression ang ina.

Mahaharap sa mga kasong parricide at frustrated parricide ang ina paglabas niya sa ospital.

-- Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News

Sa mga nakararanas ng depresyon, maaaring tumawag sa 24/7 HopeLine:
(02) 804-HOPE (4673)
0917 558 HOPE (4673)

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.