Radio reporter sa Davao del Sur, arestado dahil sa ilegal na droga

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Radio reporter sa Davao del Sur, arestado dahil sa ilegal na droga

Cheche Diabordo,

ABS-CBN News

Clipboard

DIGOS CITY - Arestado ang isang radio reporter sa Davao del Sur sa isinagawang operasyon ng Digos Police Station sa Barangay Matti, Digos City Biyernes ng madaling araw.

Inaresto ang suspek na si Rexcyn Torrecampo, 41 taong gulang, matapos mabilhan ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa halagang 2,000 pesos.

"Top 4 siya sa drug watchlist sa provincial level. Ang ibig sabihin, matagal na siyang minamanmanan ng otoridad," ayon kay PLt. Col. Vici Anthony Tababa.

Bukod sa buy-bust item ay nakunan rin ang suspek ng dalawang pakete ng hinihinalang shabu.

ADVERTISEMENT

Tinatayang nasa P150,000 pesos ang halaga ng mga ilegal na droga na nasamsam mula sa suspek.

Kinasuhan na ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Torrecampo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.