Dalawang NPA, sumuko sa Palawan

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dalawang NPA, sumuko sa Palawan

Arlie Cabrestante,

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 05, 2017 11:25 AM PHT

Clipboard

Sumukong NPA sa Palawan, isinailalim sa medical check up

PALAWAN - Dalawa pang miyembro ng New People's Army (NPA) ang sumuko sa Western Command (Wescom) matapos ang pagsuko rin ng pitong NPA noong Pebrero 17, 2017.

Ayon sa Wescom, kusang loob na sumuko ang mga ito sa pamahalaan. Kinilala ang mga itong sina alyas Ka Jerom at alyas Ka Jessan.

Ayon sa mga sumuko, pagod na raw sila. Tila nagkakaroon din daw ng diskriminasyon at korapsyon sa kanilang kilusan kaya nagpasya sila na sumuko na lamang para makapiling muli ang kanilang pamilya.

Tulad ng mga iba pang sumuko, isinailalim rin ang mga ito sa medical check-up at isasama bilang benepisyaryo ng local social integration program at comprehensive local integration program ng pamahalaan..

ADVERTISEMENT

Samantala, masaya naman ang Wescom na kahit idineklara ng presidente ang all out war sa NPA ay walang kaguluhan sa Palawan, bagkus pa ay kusang sumusuko ang mga rebelde dito sa probinsya.

Umaasa naman ang militar na marami pang mga rebelde ang magbabalik loob.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.