Mga PWD mabibigyan ng PhilHealth coverage | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga PWD mabibigyan ng PhilHealth coverage
ABS-CBN News
Published Mar 05, 2019 08:29 PM PHT

Ipinanganak si Dolores Tolibas na ang kanyang kaliwang paa ay mas maigsi sa kaniyang kanan.

Kung tutuusin, madali lang daw sanang magpatingin sa doktor lalo at nakatira sila ilang metro lang mula sa San Lazaro Hospital sa Maynila.

Gastos ang pumipigil kay Tolibas dahil doble dagok para sa kaniya ang pagkaka-stroke ng kaniyang mister, na ngayon ay nakaratay na lang sa kama.

"Kailangan namin pera pambayad ng tricycle para dalhin siya doon sa pagpapa-therapy sa kaniya... sinakripisyo ko kahit ganito 'yong sitwasyon ko," ani Tolibas.

Bukod sa kanilang mag-asawa, person with disability (PWD) rin ang kanilang 3 taong gulang na apo na hindi na makakita.

Pero maaaring gumaan na sa mga susunod na buwan ang gastusin sa pagpapadoktor ng mga Tolibas matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes ang Republic Act (RA) No. 11228 na magbibigay ng PhilHealth coverage sa PWDs.

Ayon sa PhilHealth, walang masyadong pagkakaiba ang Universal Health Care law at RA 11228.

"Hindi naman sa redundant because there are some provisions of the law that is good because it talks about registration of PWDs, di 'yan na-mention sa ibang law," ani PhilHealth Spokesperson Shirley Domingo.

Para naman sa Department of Health (DOH), makatutulong ang batas para makagawa ng mga package na angkop lang para sa PWDs.

Dapat lang maging malinaw kung ano ang antas ng kapansanan ang pasok sa batas.

"Kailangan ingatan na lang natin dito 'yong number one, of course, 'yong definition ng PWD, kung sino 'yong eligible for the PhilHealth membership," ani Health Undersecretary Eric Domingo.

Sa Marso 19 magiging epektibo ang batas at may tatlong buwan para mabalangkas ang implementing rules and regulations nito.

-- Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
kalusugan
persons with disability
PWD
PWDs
PhilHealth
Republic Act 11228
Department of Health
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT