FACT CHECK: Walang ulat ang ANC tungkol sa investment scheme na inilunsad umano ni Marcos Jr.

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FACT CHECK: Walang ulat ang ANC tungkol sa investment scheme na inilunsad umano ni Marcos Jr.

Kevin Luis Fernandez,

ABS-CBN Research and Verification Unit

Clipboard


Deepfake, o ginamitan ng artificial intelligence (AI), ang isang ulat ni ABS-CBN News Channel (ANC) anchor Tony Velasquez tungkol sa diumano'y investment scheme na inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Minanipula ang boses at buka ng bibig ni Velasquez upang pagmukhaing sinasabi niya ito: "[President Ferdinand Marcos Jr.] has developed a strategic investment platform that's already turned profits for hundreds [of people]."

Ginamit din sa pekeng ulat ang minanipulang bidyo ni Marcos para magmistulang inaanunsiyo niya na diumano'y suportado ng Department of Finance, Banco de Oro (BDO) Unibank, at business tycoon na si Elon Musk ang naturang investment scheme.

Batay sa resulta ng AI-detection tool na Hive Moderation, mataas ang posibilidad na ginamitan ng AI ang mga nasabing bidyo.

ADVERTISEMENT



Maaaring kuha ang minanipulang bidyo ni Marcos sa video footage ng joint press conference niya kasama si Singaporean Prime Minister Lawrence Wong noong Hunyo 4, 2025. Ginanap ang press conference sa Malacañang Palace nang bumisita si Wong sa bansa noong panahong iyon.

Makikita ang pagkakapareho ng background ng manipuladong bidyo at ng footage ng conference. Sa dalawang bidyo, kita sa likuran ni Marcos ang putol na imahe ng watawat ng Pilipinas at Singapore, ang bintanang gawa sa kahoy, at ang puting kurtina.



Sa isang pahayag na ipinadala sa ABS-CBN Fact Check, pinasinungalingan ng ANC ang naturang pinapakalat na bidyo.

"ABS-CBN News Channel debunks a false and fabricated clip, purportedly showing news anchor Tony Velasquez promoting an investment scheme,” saad ng pahayag ng ANC. 

"The video, posted on Facebook by a certain 'Carol Williams', contains manipulated images and voices of the news anchor and of President Ferdinand Marcos Junior. ABS-CBN News Channel has no involvement in the production of the deepfake video,” dagdag pa nito.

ADVERTISEMENT

Ang page na 'Carol Williams' ay ginawa noong lamang Abril 25.

Sa isang Facebook post, nagbabala ang BDO Unibank laban sa mga AI-generated na bidyo na ginagamit upang manloko at manguha ng mga personal at pinansyal na impormasyon. Ginamit nito sa paalala ang screenshot ng post ng 'Carol Williams' na page na nagpapakita ng bidyo ni Marcos na ginamit sa minanipulang ANC report.

"[Deepfake or AI-generated videos] can be used to fool you into giving away personal or financial information. Only trust information from the bank's official website and channels,” saad ng naturang bangko sa kanilang post.

Hindi ito ang unang beses na minanipula ang mga ulat ng ABS-CBN News upang makapanloko at mag-alok ng mga kaduda-dudang investment scheme.

Ugaliing kumuha ng mga impormasyon sa lehitimong website ng ABS-CBN News at sa mga opisyal na social media account ng “ABS-CBN News” sa Facebook, X (dating Twitter), TikTok, Instagram, at YouTube.

Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o X (dating Twitter) account @abscbnfactcheck.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.