Comelec, netizens may mga gimik sa social media para sa voter registration | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Comelec, netizens may mga gimik sa social media para sa voter registration

ABS-CBN News
Published Mar 07, 2021 05:40 PM PHT
|
Updated Mar 07, 2021 10:53 PM PHT

MAYNILA — May sari-saring gimik ang Commission on Elections (Comelec) pati ang netizens sa social media para makahikayat ng mga tao na magparehistro para sa halalan 2022.

Sa video-sharing platform na TikTok, may users na idinaan sa sayaw ang paghikayat habang ang iba'y nagbigay ng step-by-step instruction kung paano magparehistro.

Mismong si Comelec Spokesperson James Jimenez ay naki-TikTok din.

"Remember ang social media is a very critical part of our process now kasi... nagpapa-appointment tayo through social media," ani Jimenez.

Mula nang magsimula ang voters registration noong Setyembre 2020, 2.3 milyon pa lang ang nagpaparehistro, malayo sa 4 milyong target ng komisyon.

Inaasahan din ng Comelec ang nasa 1.5 milyon na magpapa-reactivate ng registration bago ito isara sa Setyembre 30.

Noong 2016 elections, nasa 10 milyon hanggang 15 milyon ang tantiya ng Comelec na hindi nagparehistro at hindi nakaboto.

Kaya ngayong nasa gitna pa rin ng pandmeya, pinabilis ng Comelec ang proseso ng pagpaparehistro.

Kailangan lang magtungo sa irehistro.comelec.gov, i-fill out at i-print ang online form, mag-set ng appointment sa Comelec, at magtungo sa araw ng appointment para makuhanan ng biometrics.

Tatagal lamang nang 15 minuto ang proseso.

Bukas ang Comelec offices sa Martes hanggang Sabado mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

-- Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News
RELATED VIDEO:
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Comelec
James Jimenez
voter registration
2022 elections
halalan 2022
TikTok
social media
voter registration process
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT