Pulis na may kasong estafa arestado
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pulis na may kasong estafa arestado
Henry Atuelan,
ABS-CBN News
Published Mar 09, 2019 10:25 AM PHT
|
Updated Mar 09, 2019 10:45 AM PHT

MAYNILA – Isang pulis na nakatalaga sa Eastern Police District (EPD) ang inaresto dahil sa kasong estafa, Sabado ng umaga.

Nahuli sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 42 si Police Cpl. Edgar Santos.

Sa mismong headquarters ng EPD naabutan ng Philippine National Police Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) at Intelligence Group sa Camp Crame si Santos.

Sinasabing isa si Santos sa mga pulis na nakatakas nang mag-operate ang PNP-CITF sa Marikina noong Disyembre 2018 matapos kotongan umano ng P100,000 ang isang sibilyan.

May kaso na rin umanong administratibo at kriminal si Santos.

Nito lamang Miyerkoles ay sinibak ni National Capital Region Police Office chief Guillermo Eleazar ang district director ng EPD na si Police Brig. Gen. Bernabe Balba matapos na masangkot ang tauhan nito sa pangongotong.

Read More:
estafa
Eastern Police District
Philippine National Police
PNP
kotong cop
Tagalog news
Metro crime
DZMM
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT