1 patay, 3 nawawala sa landslide sa Davao de Oro

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

1 patay, 3 nawawala sa landslide sa Davao de Oro

ABS-CBN News

Clipboard

Larawan mula kay Rod Erick Solis
Larawan mula kay Rod Erick Solis

Isa ang nasawi at 3 ang pinaghahahanap matapos ang pagguho ng lupa sa bayan ng Pantukan, Davao de Oro, Martes ng gabi.

Kinumpirma ng provincial disaster risk reduction and management office ang nangyaring pagguho ng lupa sa Sitio Diat, Barangay Napnapan.

Narekober Miyerkoles ng umaga ang namatay mula sa landslide na patuloy pang bineberipika ng PDRRMO ang pagkakakilanlan.

Patuloy rin ang search and retrieval operations sa 3 pang missing sa landslide, ayon sa PDRRMO.

ADVERTISEMENT

Ayon kay PDRRMO officer Joseph Randy Loy, sanhi ng pagguho ng lupa ang ilang araw nang pag-ulan sa lugar dahil sa low pressure area.

"Ang dahilan talaga ay ’yung continuous rainfall na na-experience ng Pantukan in the past days. So talagang attributed ito sa ulan," sabi ni Loy sa ABS-CBN News.

Inaalam din ng PDRRMO kung pahirapan ba ang retrieval operations lalo't nakakaranas pa rin paminsan ng sama ng panahon dulot ng LPA.

"Sa tingin namin, dahil siguro sa volume ng lupa na nakatabon doon sa area na ’yon (kaya pahirapan ang retrieval operation)," ani Loy.

Inaalam din ng ahensya ang mga impormasyon na 1 mining tunnel ang pinangyarihan ng landslide.

"Though this area sa Diat, masasabi natin na this is one of the mining areas in Davao de Oro," ani Loy.

Noong Enero 2012, aabot sa 40 ang nasawi sa isang landslide sa gold panning area sa Diat.—Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA ULAT

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.