COVID-19 lockdown sa bansa halos 1 taon na

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

COVID-19 lockdown sa bansa halos 1 taon na

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 11, 2021 01:32 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Noong Marso 16, 2020, nagdeklara ng enhanced community quarantine (ECQ) si Pangulong Rodrigo Duterte para makontrol ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Bago ipatupad ang ECQ, nagkagulo na sa ilang pamilihan dahil sa hoarding at panic buying ng alcohol, face mask at iba pang mga produkto.

Noong unang linggo kasi ng Marso, inanunsiyong mayroon nang local transmission ng COVID-19 sa bansa. Pagdating ng Marso 11, Pilipinas ang pinakaunang bansa sa labas ng China—na sinasabing pinagmulan ng virus—na may namatay dahil sa sakit.

Sa pagdeklara ng ECQ, sinuspende rin ang biyahe at nagsara ang maraming negosyo.

ADVERTISEMENT

May mga checkpoint para matiyak na nasusunod ang social distance.

Habang dumami ang kaso ng COVID-19, nagkulang naman ang personal protective equipment para sa health workers.

Marso 24 pinirmahan ni Duterte ang Bayanihan To Heal As One Act para magamit ang savings ng gobyerno para pondohan ang pangangailangan ng bansa.

Nangako naman ang Department of Labor and Employment na magbibigay ng P5,000 cash aid para sa mga empleyadong nawalan ng trabaho.

Pagdating ng Marso 31, biglang lumobo nang higit 2,000 ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

ADVERTISEMENT

Abril nang magsimulang maglabasan ang mga pag-aaral para sa posibleng lunas sa COVID-19, tulad ng mga gamot sa ilalim ng solidarity trial ng World Health Organization.

Nagbigay na din ng ayuda ang Department of Social Welfare and Development para sa mga pamilyang apektado ng pandemya.

Kumalat din kalaunan sa ilang kulungan ang COVID-19.

Noong Mayo, muling pinalawig ang ECQ.

Pagdating ng Mayo 28, umabot sa 15,588 ang bilang ng mga kaso sa Pilipinas habang nasa higit 600 ang namatay.

ADVERTISEMENT

Nagpasya ang gobyerno na luwagan ang community quarantine pagdating ng Hunyo.

Para sa mga nasa general community quarantine (GCQ), pinayagan nang bahagyang magbukas ang mga kainan.

Binuksan na rin ang Boracay Island, isa sa mga kilalang tourist spot sa bansa.

Matapos ang 4 na buwang walang trabaho, nakapasada na rina ng ilang jeepney driver sa Metro Manila.

Isinara naman ang MRT-3 matapos magpositibo sa COVID-19 ang halos 200 tauhan nito.

ADVERTISEMENT

Pagdating ng Hulyo, umabot na ng higit 4,000 ang mga kasong naitatala kada araw sa bansa.

Sa mga sumunod na buwan, patuloy na sumirit ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas pero dumami na rin ang mga gumaling.

Inurong naman ng Department of Education ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa Oktubre habang patuloy namang pinag-uusapan ang mga bakuna.

Noong Agosto 15, inanunsiyo ng Department of Transportation na lahat ng pasahero'y kailangan magsuot ng face shield.

Noong Setyembre, umabot ng 250,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa at pinirmahan ni Pangulong Rodirog Duterte ang Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) para magdagdag ang pondo para sa pandemya.

ADVERTISEMENT

Pinalawig din ang state of calamity sa bansa.

Noong Oktubre, bukod sa pagbubukas ng klase sa pamamagitan ng distance learning, pumasok ang Pilipinas sa top 20 na mga bansang may COVID-19.

Noong Disyembre naman, binuksan sa mga turista ang Coron, Palawan at Siargao Island.

Pinirmahan naman ni Duterte ang executive order na nagbibigay kapangyarihan sa Food and Drug Administration na magbigay ng emergency use authroization para sa mga bakuna kontra COVID-19.

Bago mag-Pasko, ipinagbawal naman ang pagpasok ng mga galing United Kingdom (UK) sa bansa dahil sa mas nakakahawa umanong UK variant ng virus.

ADVERTISEMENT

Bumaba ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19, pero ayon sa Department of Health (DOH), dahil lang ito sa mas mababang bilang ng mga nagpapa-test.

Pagdating ng Enero, bumalik sa dating lebel ang mga kaso.

Na-detect noong Enero 13 ang UK variant sa Pilipinas.

Ilang araw matapos iyon, umabot na ng 500,000 ang bilang ng mga nagka-COVID-19 sa bansa habang 10,000 naman ang namatay.

Pebrero nang matukoy ang 2 mutations of potential clinical significance sa mga COVID-19 sample mula Cebu.

ADVERTISEMENT

Pebrero 28 dumating sa Pilipinas ang unang COVID-19 vaccines mula Sinovac.

Noong Marso 2, isang araw matapos ang vaccination program ng gobyerno, na-detect naman ang mas nakahahawang South African variant ng virus sa Pasay.

Nitong mga huling araw, halos isang taon simula nang mag-lockdown, patuloy ang pagtaas ng mga kaso sa Metro Manila.

Ayon sa DOH, ang taas ng mga kaso ay tulad ng pagtaas noong isang taon.

"Whatever increase in the number of cases we are having right now, cannot be attributed solely to the variants," ani Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire.

ADVERTISEMENT

"The underlying cause of why the cases are increasing are because of the non-compliance to the health protocols," aniya.

Isang taon mula nang ideklara ang lockdown, papataas muli ang mga kaso ang hindi pa matukoy kung gaano kalaganap ang mga bagong variant.

Ang pag-asa ngayo'y ang mga bakunang unit-unti nang binibigay sa health worker.

Paulit-ulit namang paalala ng mga awtoridad ang patuloy na pagsunod sa health protocols, gaya ng pagpapanatili ng physical distancing, at pagsuot ng face mask at face shield.

-- Ulat ni Kristine Sabillo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.