Mainit na panahon, maaring magpalala sa peste sa mga pine tree sa Baguio City
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mainit na panahon, maaring magpalala sa peste sa mga pine tree sa Baguio City
Micaella Ilao,
ABS-CBN News
Published Mar 13, 2019 06:59 PM PHT

BAGUIO CITY - Maaaring lumala ang impestasyon ng pesteng nakakasira sa mga pine tree sa Baguio City dahil sa nararanasang mainit na panahon.

Ayon kay Forester Imelda Tingaloy, science and research specialist ng Water Resources Research, Development and Extension Center (WWRRDEC), mas dumarami ang mga Ips bark beetle kapag tag-init.

Ang Ips bark beetle ang pesteng sumisira sa mga pine tree sa lungsod.

Sa huling tala, nasa 200 pine tree sa golf course ng Camp John Hay ang apektado ng peste.
Sa huling tala, nasa 200 pine tree sa golf course ng Camp John Hay ang apektado ng peste.
ADVERTISEMENT
Karamihan sa mga punong ito ang kinakailangang putulin para maiwasan ang pagkalat ng peste.

"Sa ngayon wala pa kaming alam na solution. Ang nire-recommend lang is to cut and burn, dapat i-cut mo tapos ilagay mo sa isang lugar tapos susunugin, yun daw ang gagawin para kung may Ips pa na natitira dun 'di na kakalat," paliwanag ni Forester Villamor Bacullo ng City Environment and Parks Management Office.

Kasalukuyan ring nagsasagawa ng imbentaryo ang Department of Environment and Natural Resources para malaman ang kundisyon ng mga pine tree sa Baguio City, at para na rin makahanap ng ibang paraan para masolusyunan ang impestasyon ng bark beetle.